ATIN lang i-update ang article ko last week regarding sa pagkahuli sa Bonifacio, Misamis Occidental Mayor Samson Dumanjug.
Ibinasura na po ni President Bongbong Marcos Jr. ang kaso laban sa nasabing mayor sa kakulangan ng ebidensya. Walang laman ang kaso.
Sa pamamagitan ng sulat mula sa dating Supreme Court Justice ngayon ay Excutive Secretary Lucas Bersamin, ibinasura ang naturang kaso laban sa nasabing mayor.
Dito sa Batangas naman, malayo pa pero nangangamoy na ang pulitika sa pagka-gobernador ng probinsya. Sa hi-way, maraming lugar sa bayan bayan ng Batangas makikita na nga ang mga tarpaulin ng pagbati mula sa mga pulitiko.
Unang una ang vice-mayor ng bayan ng Mataas na Kahoy na si Vice Mayor Jay Manalo. Kaya kinumpira natin kung ano nga sa malapit niyang kaalyado.
Napag-alaman sa malapit niyang tao na dating konsehal ng bayan ng Alitagtag, tatakbo nga raw si Vice Mayor Manalo sa pagka gobernador. ANG ATRAS IKA NGA AY PASUGOD.
E, bilang isang taga Calaca naman, naririnig ko rin sa mga alipores, sa mga sipsip ’ika nga ng mayor ng Calaca na balak ding tumakbo sa pagka gobernador ni Calaca Mayor Nas Ona.
Sabagay, kilala ko ang mamang eto sa larangan ng pulitika. Magaling ito sa pamamaraan na makumbinsi ang mga tao. Subok na kasi ito nong tumakbong vice governor sa probinsya ng Batangas.
Pinutol nito ang paniniwala ng mga taga Batangas na walang nananalong taga unang distrito sa pagka gobernador at bise gobernador ng probinsya. Sapagkat maliit lang diumano ang unang distrito at talo sa dami ng botante kumpara sa ibang distrito ng Batangas.
Pero sa kauna unahang pagkakataon, tinambakan ng taga unang distrito at eto nga si Calaca Mayor Nas Ona ang kalabang nagmula sa ibang distrito ng Batangas kaya mukhang mabigat ding contender itong si Mayor Nas Ona.
ANG PROBLEMA KUNG BIGLANG BUMALIK ANG LAWIN. Ang tinutukoy ko ay si dating Batangas governor Vilma Santos. Yun laang hehehe.
Sawsaw naman tayo sa malaking balita ngayon sa showbiz. Hindi naman natin linya ito pero mayroon akong pinuntahang isang lamay ng kaibigan. Ang topic ng tao ay ang paglipat ng TVJ-legit Eat Bulaga sa TV5. Bawat grupong nagkukwentuhan, ang topic ay ang noon time show sa telebisyon.
Ang mga Jalosjos daw ay nakarma. Ika nga sa kasabihan. ANG PAGHAHANGAD NG KAGITNA, ISANG SALOP ANG NAWALA. Ngayon ay balita narin na kinupkop na ng GMA7 ang programang It’s Showtime sa parehong timeslot.
Aba! Mukhang sa diumanong hindi pakikialam ng nasabing TV station na ipagtanggol man lang ang legit Eat Bulaga ng TVJ ay bumawi naman ng simple at tahimik ang istasyon.
Aba! Ang pagkupkop sa It’s Showtime ay tahasang paglaban sa Eat Bulaga ng Jalosjos. Kasi nasa parehong TV Station ang Eat Bulaga ni Jalosjos at It’s Showtime na pareho ang timeslot.
Edi pinagsasabong. Business talaga. Bagsak sa programa ng Jalosjos, bawi naman sa It’s Showtime. Aba magaling na style yan. Paging Jalosjos Family, suggestion lang na kuhanin ninyo sina Long Mejia, Brod Pete at Ethel Booba.
Iyon bagang, tinginan palang tatawa kana. Hindi tulad ng mga hosts ngayon ng nasabing Eat Bulaga Jalosjos na labas na ang litid sa kasisigaw hindi ka pa rin matawa. Sino nga bang advertiser ang makukuha ninyo? Opinion lang. Hehehe. (UnliNews Online)