Sunday, November 3, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionStrikerPambansang Pabahay ni PBBM, hindi na kaya maibebenta ng mga benepisyaryo?

Pambansang Pabahay ni PBBM, hindi na kaya maibebenta ng mga benepisyaryo?

GAANO kaya mapapahalagahan ng mga benepisyaryo ng Pambansang Pabahay ni Pangulong Bongbong Marcos na kaloob ng Pamahalaang Nasyonal sa mga mamamayang walang tahanan.

Hindi sana matulad sa karamihan sa mga relokasyong pabahay ng Nantional Housing Authority sa ilang bayan sa lalawigan ng Bulacan para sa mga squater mula sa mga Lungsod ng Maynila, Quezon, Makati, Caloocan at Navotas.

Pinagkalooban sila ng sariling bahay mula sa gobyerno at magkaroon ng magandang buhay dahil nalayo na sa panganib ang kanilang buhay sa tabi ng ilog at gilid ng kalsada o ilalim ng tulay.

Maging ang dating naninirahan sa mga riles ng PNR sa Bulacan at Pampanga ay binigyan din sila ng gobyerno ng pabahay para muling buhayin ang naturang serbisyo ng tren.

Nasaan na nga ba ang mga orihinal na benepisyaryo ng mga pabahay ng Northville 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8 at 9?

Bakit iba na ang nakatira sa pabahay kung hindi umuupa ay naibenta na ang naturang pabahay ng gobyerno.

Labis na napabayaan lamang ang mga Pabahay ng Gobyerno na matapos maitayo at maipagkaloob sa mga tao ay hindi na ito nabigyan ng pansin.

Hindi ba maging ang pabahay para AFP, PNP, BFP at iba pang kawani ng gobyerno ay naglaan din ang pamahalaan ng Pabahay.

Subali’t nasaan na nga ba ang mga pabahay na ibinigay sa kanila dng gobyerno na halos ang 40% ng nasabing housing project ay naibenta sa pribadong tao.

At ang malaking katanungan ni STRIKER ay ano ang ginagawa ng NHA? Bakit hindi nakakasuhan ang mga nagbenta at nagpapaupa ng pabahay.

Hindi ba na-momonitor ng mga empleyado ng NHA na nakatalaga sa iba’t-ibang pabahay sa buong bansa.

Ang kalakarang umiiral sa bentahan ng mga bahay ay depende sa itsura ng bahay. Kapag medyo maganda na ang bahay ay nasa P150K hanggang P200K. Kapag hindi maayos ay nasa P50K hanggang P70K lamang ibinibenta.

Iyan ang tunay kalagayan ng mga Pabahay ng NHA lalo na sa mga relokasyong pinatayo nila na tila ba nasayang lamang ang taon-taong pondo ng naturang pabahay dahil kung kanilang gagalugarin ang karamihan sa kanilang pabahay ay hindi natirahan na halos nabulok na lamang.

Sana ang mga nabanggit na Pabahay ay mapakinabangan ng mga mamamayang salat sa hirap na wala talagang matitirahang sariling bahay.

Sana ang anim na milyong Pambansang Pabahay ni PBBM ay mapahalagahan ng mga mapagkakalooban nito ng hindi masayang ang magandang proyekto ng ating Pangulo na mag-aangat sa antas ng buhay ng bawa’t Pilipino na may sariling tahanan.

Tinatawagan natin ng pansin ang lahat ng lokal na pamahalaan lalo na ang mga Sanguniang Bayan na magpasa ng ordinansa na nagbababawal sa pagbebenta ng pabahay na pinagkakaloob ng gobyerno. (UnliNews Online)

Louie C. Angeles
Louie C. Angeleshttp://unlinews.org
LUISITO “Louie” C. Angeles is a news reporter for DWIZ 882 AM and also an anchorman of Serbisyo, Trabaho sa Radyo @ 09.3 FM Radyo Bandera Central Luzon. Louie is also a columnist reporter for REKTA Balita and The Central Chronicle and a former radio reporter for DWIZ, DZRB, and DZRV Radio Veritas. Born and raised in Bocaue, Bulacan, Louie is currently the national president of the PAPER.Ph -- Prime Alliance of Publishers, Editors and Reporters Inc.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments