LUNGSOD NG MALOLOS — Nakatakda nang umarangkada tuwing araw ng Martes ang KADIWA ng Department of Agriculture (DA) sa bakuran ng Kapitolyo sa lungsod ng Malolos, Bulacan.
Bahagi ito ng mga pagtugon ng administrasyong Pangulong Ferdinand Marcos Jr. naglalayong maghatid ng murang bilihin sa mga konsyumer.
Aabot sa 40% ang kamurahan ng nasabing mga produktong agrikultural kumpara sa regular na presyo na mabibili sa mga palengkepartikular ang mga pagkain.
Target ngayon ng Pangulo na maparami pa sa bawat bayan at maging permanente na ang KADIWA upang makatulong na mahatak ang inflation rate.
Maliban aniya sa pagma-market ng agricultural products sa KADIWA ng Pangulo, kalakip din ng naturang programa ang pagkakataong makapag negosyo ang hanay ng mga Micro, Small and Medium Enterprise (MSME) na katuwang na nagbebenta ng mga produktong tampok ng KADIWA.
Ang Kadiwa ng Pangulo ay isang programang sabayang itinaguyod at patuloy na isinusulong ng Department of Labor and Employment, Department of Trade and Industry at Department of Agriculture.
Batay sa datos ng pamahalaan, meron nang 500 Kadiwa ng Pangulo outlets sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Pagpapatuloy umano ito ng Kadiwa Program na pinasimulan nina Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. at Dating Unang Ginang at Minister ng Human Settlement Imelda R. Marcos. (UnliNews Online)