Sunday, November 3, 2024
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsDagdag-trabaho sa mga Malolenyo, hatid ng pagbubukas ng S&R

Dagdag-trabaho sa mga Malolenyo, hatid ng pagbubukas ng S&R

LUNGSOD NG MALOLOS — Pormal nang binuksan ang kauna-unahang S&R membership shopping sa nabanggit na lungsod na inaasahang magbibigay ng karagdagang tarabaho o oportunidad sa mga Malolenyo.

Base sa naging direktiba ni Mayor Christian D. Natividad, at umiiral na ordinansa sa lungsod ng Malolos, tinatayang 70% na manggagawa nito ay naipagkaloob sa ating mga kababayan, habang 5% naman ang para sa vulnerable sector – PWDs, senior citizens at solo parents.

Ani ng alkalde “Many opportunities are coming to Malolos City.”

Dagdag pa ni Agila na patuloy ang suporta ng lokal na pamahalaan sa mga negosyanteng nais mamuhunan sa lungsod.

“We will be here with you not only to support your business but as a parallel mechanism for us to deliver the services in our constituencies and in your end for businesses and businessmen that are investing here in the City of Malolos,” dagdag pa ng alkalde.

Ipinahayag din nito na patuloy ang dedikasyon ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa bawat tagumpay ng mga mamamayan at maging ng mga negosyante.

“In behalf of City Government of Malolos, nandito kami upang maging bahagi ng lahat ng matagumpay na ginagawa ninyo at sa lahat ng pinagtatagumpayan niyo sa buong Malolos,” aniya.

Ang pagpapasinaya ng ika-28 warehouse club ng S&R ay sinimulan sa isang misa, na sinundan ng ribbon cutting ceremony na pinangunahan ng presidente ng S&R, Anthony Sy.

“This momentous occasion not only signifies the expansion of our business, but also underscores the unwavering support and collaboration that fueled our success. It is a testament to the enduring strength of the partnerships that we have cultivated and relationships we hold here,” sa mensahe ni Sy.

Kaniya ring binigyang diin na ang S&R ay mananatiling tapat sa kanilang tungkulin sa pagkakaloob ng kalidad na serbisyo at produkto, na tutugon sa pangangailangan ng mga mamimili.

Kabilang din sa dumalo sa pagpapasinaya ang mga panauhing sina Mrs. Susan Co, Chairman of Puregold Price Club, Mr. Darren Eugene Bates, Senior Vice President of S&R, Ms. Pamela Co, Vice President of S&R, Mr. Leonardo Dayao, President of Cosco Capital, Mr. Roland Roque RMR Group of Companies, City of Malolos Vice Mayor Miguel Alberto Bautista, Kon. JV Vitug, at Kon. Ayee Ople. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments