Thursday, July 18, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionResignation ni VP Sarah sa DepEd, hudyat ng pagkalas sa UniTeam

Resignation ni VP Sarah sa DepEd, hudyat ng pagkalas sa UniTeam

INAASAHAN na ng Malakanyang ang pag-resign ni VP Sara Duterte bilang Department of Education (DepEd) Secretary at Vice Chair ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). Dahil sa tindi ng init ng pulitika sa bansa ay nanimbang si VP Sara sa kanyang desisyon kung magpapatuloy ba siya o hindi bilang miyembro ng kabinete.

Malaking konsiderasyon sa kanyang desisyon ang nasasaksihang mainit na bangayan sa hanay ng kanilang angkan at ang hindi pag-sangayon nito sa pagpapatakbo ng kasalukuyang gobiyerno. Sa ganitong situwasyon ay mananaig ang pag-kiling ng bise presidente sa kapakanan ng mamamayan at pamilya kaysa sa pagiging tapat sa Partido.

Ang pag-reresign ni VP Sara sa kabinete ay hudyat na ng kanyang pagkadismaya at paghiwalay sa UniTeam at ang Partido ay naging kapakipakinabang lamang noong nakaraan 2022 elections na nakatulong sa landslide win ni Presidente Marcos, Jr.

Kahit walang binitawang malinaw na dahilan ang pag-reresign ng bise presidente ay dama ng masa ang pagka-dismaya nito sa mga kasalukuyang nangyayari sa gobyerno. Mainit din ang batikos ng kasalukuyang ‘MAISUG’ rally sa iba’t ibang parte ng bansa at sa abroad para ipa-alam ang kasalukuyang kundisyon ng ating bansa sa ‘madlang pipol’ tungkol umano sa mga kurapsyon at hindi Magandang pamamalakad ng kasalukuyang gobiyerno.

Ang MAISUG ay patuloy ang pag-ikot sa bansa at ito ay prominenteng grupo na pinangungunahan ng mga liders ng dating PRRD. Sa pag-alis ng bise presidente sa kabinete ay malaya na nitong maipapahayag ang kanyang mga nais ipatupad para isaayos ang pamamalakad sa ating bansa. Dito ay makikita natin ang tapat na serbisyo ni VP Sara sa bansa dahil ayaw na niyang palalain pa ang sitwasyon sa mga pagsubok na kahaharapin para ipatupad ang programa sa edukasyon ng bansa.

Ang palugit na 30 araw para sa maayos na transisyon ay isang katangian ng bise presidente sa mahusay at tamang pamamalakad ng departamento. Sa pagpapahayag ni VP Sara ng kanyang suporta sa mga guro at mga non-teaching staff ng LGU at pribadong sector sa pagtulak ng maayos na reporma sa departamento ay isang malaking bagay na dapat bigyan pansin ng susunod na department secretary at bigyan diin ang mga programa upang madinig ang Karapatan at kapakanan ng mga guro at estudyante ng bansa.

Dapat na maipagpatuloy ang kanyang MATATAG agenda para mapagtuunan ng pansin ang mga balakid at hamon sa edukasyon. Ang MATATAG ay isang instructional framework halaw sa prinsipyo, aspeto at mga kaganapan para sa isang ‘adaptable structure’ at mapagtibay ang mga instrumento para sa maayos na pagtuturo at pag-aaral.

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments