NAG-ALAY ng panalangin si Senador Alan Peter Cayetano nitong Linggo (July 14) para kay dating US President Donald Trump matapos nitong masugatan sa isang attempted assassination attempt sa campaign rally sa Butler, Pennsylvania.
“We continue to pray for former President Trump, especially since we have a special relationship with the United States. There’s no place for violence in politics, and this is one of the reasons ‘Thou shalt not kill’ is in the 10 commandments,” sabi ni Cayetano sa isang post sa kanyang Facebook account.
Isang tao ang naiulat na namatay sa insidente habang may mga iba pang nasugatan.
Mismong si Trump din ay iniulat na tinamaan sa kanyang kanang tainga ngunit ligtas naman siya pagkatapos ng insidente.
Sa kanyang Facebook post, inalala ni Cayetano si Trump bilang isang “totoong tao” nang makilala niya ang noo’y US President sa pagbisita nito sa Pilipinas noong 2017.
“I had the pleasure and privilege to meet then-President Donald Trump when I was Secretary of Foreign Affairs. It was a blessing to get to know him as a person. As Filipinos say, totoong tao siya — he’s a real person. He engages with and listens to people without thinking of their rank or position,” wika ni Cayetano.
Sinabi niya na habang ang ilang mga pinuno at celebrity sa mundo ay “snobbish o impersonal” sa likod ng mga saradong pinto, si Trump ay “mas mabait at mas nakakaengganyo kapag walang mga camera.”
“I and some of my colleagues in the DFA as well as some PSG personnel experienced this first-hand. Dinaan-daanan lang kami ng isa o dalawang leaders, others had a pleasant smile, nod, and warm handshake. But President Trump stopped and asked how we were, shook our hands, and actually waited for us to respond. He even asked a second question before moving on,” aniya.
Sinabi rin ni Cayetano na “traumatic” para sa mga taga-ASEAN ang pagtatangkang pagpatay kay Trump dahil sa pagpaslang kay dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe habang nagbibigay ito ng campaign speech noong Hulyo 2022.
“We remember the late Japanese Prime Minister Shinzo Abe — how engaging, kind, and diplomatic he was but in a split second he left this world. That was my reflection when I saw the video of the attempt on Mr. Trump — that life on earth can be gone in the snap of a finger. We should always be ready to go any time,” sabi ni Cayetano.
Habang pinasalamatan niya ang Diyos na ligtas at maayos na si Trump, nagpahayag ang senador ng pakikiramay sa mga pamilya ng namatay at sa mga nasaktan sa insidente. (UnliNews Online)