Thursday, September 19, 2024
Amana Water Park
HomeNational NewsSangay ng Salin ng KWF, patuloy na nagbibigay ng de-kalidad na serbisyong...

Sangay ng Salin ng KWF, patuloy na nagbibigay ng de-kalidad na serbisyong pampagsasalin

MAYNILA — Ang Sangay ng Salin ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay patuloy na nagbibigay ng de-kalidad na serbisyong pampagsasalin sa publiko.

Ang serbisyong pampagsasalin ay bukas at libre sa lahat.

Para sa mga ahensiya at lokal na yunit ng pamahalaan, ang ipinagkakaloob na serbisyo ay pagsasalin at balidasyon ng salin ng mga dokumentong pampamahalaan.

Para sa mga nasa pribadong sektor, ang ipinagkakaloob na serbisyo ay balidasyon ng salin lamang. I-click ang http://tinyurl.com/KWFSS2024 para sa mga detalye.

Bukod sa mga serbisyong pagsasalin, patuloy rin ang Sangay ng Salin sa pagbibigay ng pagsasanay at seminar ukol sa pagsasalin sa pamamagitan ng proyektong Salinayan 2024: Pagsasanay sa Batayang Pagsasalin. Layunin nitong hubugin ang mga kasanayan ng mga kawani ng pamahalaan at hikayatin ang mas malawak na partisipasyon sa larangan ng pagsasalin.

Saklaw ng programang ito ang pagbibigay ng seminar-training ng mga kawani ng Sangay ng Salin tungkol sa Ribyu sa mga Tuntunin ng Ortograpiyang Pambansa (FAQs sa Ortograpiyang Pambansa), Batayang Pagsasalin, Pagsasalin para sa mga Kawani ng Pamahalaan, at Oryentasyon sa Pagsasalin ng Gabay ng Mamamayan ng mga ahensiya ng pamahalaan. Inaasahan na makabubuo ng mga pauna at iiral na mga salin sa Filipino ng mga Gabay ng Mamamayan (Citizen’s Charter) ang mga piling ahensiya ng pamahalaan na opisyal na naging kalahok sa pagsasanay.

Sa pamamagitan ng mga proyektong ito, umaasa ang Sangay ng Salin ng KWF na maipamalas ang kahalagahan ng wikang Filipino at mga wikang katutubo sa komunikasyon, edukasyon, at pag-unlad ng bansa.

Para sa karagdagang impormasyon, puntahan ang KWF Website na www.kwf.gov.ph o mag-email sa komfil@kwf.gov.ph o kwf.salin@kwf.gov.ph. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments