Thursday, September 19, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionAUTHOR'S VIEWPOINTGumaganda ang labanan sa 2025 gubernatorial race sa Bulacan

Gumaganda ang labanan sa 2025 gubernatorial race sa Bulacan

NAGKAROON na marahil ng kasagutan ang katanungan ng nakararaming Bulakenyo tungkol sa nalalapit na midterm elections sa buwan ng Mayo sa susunod na taon kung sinu-sinong kandidato sa pagka-gobernador dahil nagparamdam na ang isang political aspirant sa kanyang Facebook page nang kahandaan para sa gubernatorial race sa Mayo 2025.

Siya ay si Salvador “Bogs” Violago, at mababasa sa kanyang FB page ang slogan na “Asenso Bulakenyo.” Ayon sa balita, tatakbo umano sa pagka-gobernador itong si Violago, kaya nasagot na ang katanungan ng maraming Bulakenyo na may makakalaban kaya si Governor Daniel Fernando?

Marahil ay nasagot na ang katanungan ng maraming Bulakenyo at kung nanamnamin ang mga linyang nakasulat sa FB page ni Bogs ay malinaw na ang direksiyon ng kanyang plano sa susunod na eleksiyon ganito ang nakasaad isang taludtod:

“Mga mahal nating Bulakenyo, handa na ba kayo sa tunay na pagbabagong ramdam ng lahat?”

Ito namang si Gov. Fernando ay alam ng kanyang kampo na matatag ang kanyang posisyon dahil haharapin niya ang kanyang mga katunggali habang siya ay nakaluklok sa poder ng kapangyarihan kaya malaki ang kanyang advantage. Kumbaga sa boxing ay mayroon na kaagad siyang puntos dahil siya ay nakaposisyon.

Sa totoo lang mahirap talagang kalaban ang nakaupo sa puwesto. Masasabing dehado ang kalaban pero iba naman sa larong basketball dahil ang bola raw ay bilog kaya hindi nakasisiguro ang kalabang nakapuwesto. Iyan naman ang paniniwala ng mga opposition candidates. Bilog ang bola.

Sinasabi ng mga political analysts na ang mga botante raw ang huhusga sa araw ng halalan sa pamamagitan ng balota. Dahil ang mga botante ang siyang pumupuso kung sino sa mga magkakalabang kandidato ang kanilang pipiliing isulat sa balota.

Sa Kabilang banda, sinasabi ng mga nakararaming mamamayan na wala raw kwenta ang halalan na walang katunggali ang kalaban. Wala na raw bang karapat-dapat na maglilider kung sa bawat bayan, siyudad at lalawigan ay walang magtutunggali sa halalan?

Kaya nang malaman ng maraming Bulakenyo na may makakalaban sa darating na eleksiyon si Gov. Fernando, marami ang natuwa dahil masaya ang halalan kapag mayroong naglalaban-laban. Sa ganitong paraan kasi sa isang demokratikong bansa naihahayag ng mamamayan ang kanilang mga damdamin at layang pumili kung sino ang kanilang napupusuan halimbawa sa gubernatorial race: Si Daniel ba o si Bogs? (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments