Monday, August 4, 2025
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsKick-off campaign ng TPT 2025, dinumog ng mga Pandieño

Kick-off campaign ng TPT 2025, dinumog ng mga Pandieño

PANDI, Bulacan — Dinumog, sinuportahan ng mga Pandieño ang “Team Puso at Talino” sa pangunguna nina Mayor Enrico Roque at Vice Mayor Lui Sebastian sa kanilang unang araw ng kampanya para sa darating na halalan sa Mayo 2025.

Ayon kay Mayor Roque, “Salamat po sa Panginoon sa isang makasaysayang campaign kick-off ng TPT ngayong 2025! At pangalawa, isang taos-pusong pasasalamat po sa inyong walang sawang tiwala at suporta. Patuloy po kaming maninindigan, mangangarap, at higit sa lahat, magmamahal sa bawat Pandieño.”

Mga kababayan, dagdag pa ng alkalde, ang labang ito ay hindi lang po laban ng isa—ito po ay laban ng puso, prinsipyo, at mabuting hangarin. Ang tunay na pagmamahal po sa bayan ay hindi makasarili. Ito po’y nagmumula sa pusong tunay na nagmamalasakit—para psa pamilya, para sa kapwa, at para sa ating bayan.

“Asahan n’yo po, sama-sama tayo sa labang ito. ‘Wag po kayong bibitiw—kailangan po namin kayo. Tulungan n’yo po ako at ang buong Team Puso at Talino, dahil sa likod ng bawat pagsubok na ating nalampasan, may bagong kabanatang isusulat sa kasaysayan,” ani pa ng alkalde.

Sinigurado rin ni Mayor Roque na ang eleksyon sa Mayo 2025 ay simula ng mas matibay at mas progresibong bukas para sa lahat ng mamamayan ng Bayan ng Pandi.

Kasama sa Team Puso at Talino 2025 ang mga Konsehal ng bayan ng Pandi na sina Kon. Jonjon Roxas, Kon. Monette Jimenez, Kon. Danny Del Rosario, Kon. Potpot Santos, Kon. Vic Concepcion at Kon. Nonie Sta. Ana at sasamahan ng dalawang bagong mukha ngunit mga dati nang naninilbihan sa mga Pandieño ang kukumpleto na sina Sec. Arman Concepcion at Dok Noel Esteban.

Isama rin at muling ihalal sa kanyang ikalawang termino ng panunungkulan bilang Sanggunian Panlalawigan member si Bokal Ricky Roque, ang masipag at maaasahan ng mga taga-Singko Distrito. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News