LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Dalawang batang lalaki na may edad 10 at 11 taong gulang ang nalunod sa Marilao River noong Martes (April 8).
Ayon kay ret Col. Manuel Lukban Jr., Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office chief, kinilala ang mga biktima na sina Justine 10 taong gulang at Sabrino, 11.
Narekober ang mga katawan ng mga biktima, ayon kay Lukban, mula sa naturang ilog bandang alas-12:15 ng tanghali at alas-2:33 ng hapon
Lumabas sa imbestigasyon na nagkayayaan ang mga biktima kasama ang kanilang mga kaibian na maligo sa ilalim ng Heritage Bridge sa Barangay Loma de Gato nang tangayin ng ang mga biktima ng agos. (UnliNews Online)