Monday, August 4, 2025
Amana Water Park
HomeNational NewsLibo-libong residente ng Central Luzon, natulungan ng Bayanihan Caravan ni Cayetano

Libo-libong residente ng Central Luzon, natulungan ng Bayanihan Caravan ni Cayetano

MAHIGIT 5,000 residente ng iba’t ibang bahagi ng Central Luzon ang nabigyan ng tulong ngayong buwan sa ilalim ng Bayanihan Caravan ni Senador Alan Peter Cayetano—isang programang nagbibigay pag-asa at suporta sa mga Pilipinong dumadaan sa matinding pagsubok sa buhay.

Katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), namahagi ang opisina ng senador ng tulong sa mga bayan ng Bulacan, Zambales, at Nueva Ecija sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program.

Sa Bulacan, nakatanggap ng tulong ang mga residente ng Calumpit, Norzagaray, at Sta. Maria, kabilang ang mga pasyente, kababaihan, solo parents, PWDs, at mga lider ng komunidad.

Naging posible ito sa tulong nina Norzagaray Mayor Maria Elena Germar, dating Bulacan 1st District Representative Jose Antonio Sy-Alvarado, dating Governor Willy Sy-Alvarado, at Sta. Maria Mayor Bartolome Ramos.

Nagpatuloy ang Bayanihan Caravan sa bayan ng Cabangan, Zambales kung saan nabigyan naman ng tulong ang mga maliliit na negosyante sa tulong ni Mayor Ronald Apostol.

Sa Nueva Ecija, nakatanggap din ng livelihood assistance ang mga residente ng Science City of Muñoz sa tulong ni Mayor Baby Ann Alvarez.

Sa pamamagitan ng Bayanihan Caravan, patuloy na nakikipagtulungan si Cayetano sa mga ahensya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan para maihatid ang agarang tulong sa mga nangangailangan sa iba’t ibang bahagi ng bansa. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News