Thursday, February 5, 2026
Amana Water Park
HomeRegional NewsCentral Luzon UnliNewsRD Fajardo nakatutok sa MAC at REMAC, para sa mapayapang halalan sa...

RD Fajardo nakatutok sa MAC at REMAC, para sa mapayapang halalan sa Mayo 12

CAMP OLIVAS, Pampanga — Isang araw bago ang 2025 National and Local Elections, personal na binisita at mahigpit na mino-monitor ni Police Brigadier General Jean S. Fajardo, Regional Director ng Police Regional Office 3 (PRO3), ang Media Action Center (MAC) at ang Regional Election Monitoring Action Center (REMAC) upang tiyakin ang kanilang kahandaan sa pagbibigay ng real-time information at epektibong koordinasyon para sa ligtas, maayos, at mapayapang halalan sa rehiyon.

Sa ilalim ng kanyang direktibang “No Room for Complacency,” binigyang-diin ni Fajardo ang kanyang 24/7 na pagtutok sa operasyon ng MAC at REMAC upang masiguro ang mabilis na pagresponde sa mga insidente, maayos na daloy ng impormasyon, at sapat na koordinasyon sa pagitan ng mga field units, media, at partner stakeholders.

PERSONAL na binisita at mahigpit na mino-monitor ni Police Brigadier General Jean S. Fajardo, Regional Director ng Police Regional Office 3 (PRO3), ang Media Action Center (MAC) at ang Regional Election Monitoring Action Center (REMAC) upang tiyakin ang kahandaan sa pagbibigay ng real-time information at epektibong koordinasyon para sa ligtas, maayos, at mapayapang halalan sa buong Central Luzon. (PRO3)

Ang MAC ang nagsisilbing pangunahing ugnayan ng PNP sa mga mamamahayag, na responsable sa pagbibigay ng mahahalagang balita at paalala hinggil sa halalan, habang ang REMAC naman ang tumatayong command at coordination center para sa election-related incidents at security monitoring.

“Tinitiyak natin na ang ating communication at monitoring centers ay fully operational, may sapat na kagamitan at tauhan, at handang tumugon sa anumang insidente,” ayon kay Fajardo.

Binigyang-diin din ng Regional Director ang kahalagahan ng tamang koordinasyon sa media at publiko upang mapanatili ang transparency, kapanatagan, at tiwala sa proseso ng halalan.

Hinimok niya ang mga mamamahayag na maging responsable sa pagbabalita at iwasan ang pagpapakalat ng maling impormasyon.

“Napakahalaga ng papel ng media sa pagbibigay ng wasto at napapanahong impormasyon sa ating mga kababayan. Sa pamamagitan ng ating Media Action Center, sisiguraduhin nating makararating sa publiko ang totoong kalagayan ng halalan sa bawat lalawigan at bayan ng rehiyon,” dagdag pa ni Fajardo.

Ipinahayag din niya na magsasagawa siya ng personal na inspeksyon sa ilang mga polling precincts sa araw ng halalan upang masubaybayan ang implementasyon ng mga security measures at tiyakin ang kaayusan sa mga lugar ng botohan. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News