’YAN ang malinaw na mensahe ni Sen. Joel Villanueva ng pangunahan niya ang kauna-unahang OWWA Serbisyo Caravan sa Region 3 nitong Biyernes (Sept. 18) sa San Jose del Monte Sports Complex.
Mahigit 20 ahensya ng gobyerno ang pinagsama-sama sa isang bubong sa pangunguna ng OWWA, DMW, SSS, DTI at iba pa. Renewal ng membership, welfare assistance, scholarship, livelihood programs gaya ng Balik Pinas! Balik Hanapbuhay at Tulong PUSO lahat nandun na.
“Noon, turo dito at doon ang mga OFW para lang makumpleto ang requirements. Ngayon, ang gobyerno na mismo ang lumalapit sa ating mga mamamayan,” ani Villanueva.

Hindi ito simpleng caravan lang. Ito ang bunga ng batas na lumikha ng Department of Migrant Workers noong 2021 batas na si Villanueva mismo ang nagsulong at nagpursige sa Senado.
Kaya naman mismong si OWWA Administrator Patricia Caunan ang nagbigay papuri sa pinakamalaking tulong na isinulong niya sa Senado ang pagtatag ng DMW.
Kasama rin sa aktibidad sina SJDM Mayor Rida Robes at Cong. Arthur Robes, kung saan daan-daang OFWs at pamilya nila ang nakinabang.
Sa totoo lang, ito ang serbisyong ramdam. Hindi na kailangang gumising ng alas-tres ang OFW mula sa Pandi o Norzagaray para lang pumila sa Maynila.
Ang OFW hindi lang bumubuhay ng pamilya, bumubuhay din sila ng ekonomiya.
Dahil ang OFW, bayani hindi lang sa salita, dapat bayani rin ang trato ng gobyerno sa kanila. (UnliNews Online)
(Kuha ni Allan Casipit)

