Monday, August 4, 2025
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNews3 suspek na tulak ng shabu nasakote sa Anilao, Malolos

3 suspek na tulak ng shabu nasakote sa Anilao, Malolos

LUNGSOD NG MALOLOS — Tatlong drug pusher ang naaresto at nakuhanan ng humigit kumulang P222,360.00 halaga ng shabu sa isinagawang drug-bust operation ng mga operatiba ng Malolos PNP Station Drug Enforcement Unit (SDEU) noong Huwebes ng gabi (June 12) sa Barangay Anilao sa nabanggit na lungsod.

Hindi na muna pinangalanan ang mga suspek habang iniimbestigahan sila ng mga awtoridad upang mabatid ang pagkakakilanlan ng drug dealer na nagsu-supply sa kanila ng ibinebenta nilang shabu.

Ayon sa ulat ni Lt. Col. Rommel E. Geneblazo, Malolos City police chief, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba, at nang pagbentahan sila ng droga ng mga suspek ay dito na agad dinakip ang tatlong drug pusher.

“Nakakumpiska ang mga awtoridad ng pitong sachets ng shabu na tumitimbang ng 32.7 gramo at marked money sa pag-iingat ng mga suspek,” dagdag pa ni Col. Geneblazo.

Ang mga suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya na ng Malolos PNP at sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang Kapulisan ng Malolos ay patuloy na nananawagan sa publiko na makipagtulungan sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon upang masugpo ang ilegal na droga sa ating komunidad. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News