Thursday, February 5, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsBayan ng Marilao, tumanggap ng bagong PTV mula sa PCSO

Bayan ng Marilao, tumanggap ng bagong PTV mula sa PCSO

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa pamamagitan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), isa ang Pamahalaang Bayan ng Marilao sa 99 local government units sa buong Central Luzon ang nakatanggap ng bagong Patient Transport Vehicle (PTV) na ipinamahagi noong Miyerkules (July 9) sa Quirino Grandstand, Manila.

“Ang plano natin sa susunod dahil siyempre ‘yung ibang bayan mas malaki sa ibang bayan, ‘yung city mas malaki sa ibang city, titingnan ngayon natin kung ano ‘yung pangangailangan,” ani Pangulong Marcos.

Ayon naman kay Marilao Mayor Jem Sy na tumanggap ng bagong ambulansiya, “malaking tulong ito sa pagpapatupad ng mas pinahusay na emergency at disaster response ng Pamahalaang Bayan ng Marilao. Kumpleto ito sa mga kagamitang medikal gaya ng stretcher, oxygen tank, at blood pressure monitor para matiyak ang ligtas at agarang paghahatid ng mga pasyente sa mga pagamutan.”

Lubos ang pasasalamat ng alkalde kay Pangulong Marcos at sa PCSO, sa pamumuno ni General Manager Melquiades Robles, sa pagbibigay ng suporta sa mga lokal na pamahalaan. Kabilang ang ating bayan sa 387 LGUs na nabigyan ng tig-iisang PTV.

Bawat behikulo ay kargado ng emergency tools, kasama ang stretcher, oxygen tank, blood pressure monitor at iba pang impotanteng medical supplies, upang matiyak na ligtas at episyenteng maibyahe ang mga pasyente patungo sa pinakamalapit na pagamutan.

Ang turnover ay bahagi ng Medical Transport Vehicle Donation Program ng PCSO, na naglalayong palakasin ang mga sistemang pangkalusugan sa katutubo sa pamamagitan ng pagbibigay ng mobility at logistical support sa mga LGU, partikular sa mga nasa malalayong komunidad. (UnliNews Online)

Source: MarileNews

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News