Thursday, February 12, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNews3 'drug suspects' arestado sa magkahiwalay na buy-bust ops sa Malolos at...

3 ‘drug suspects’ arestado sa magkahiwalay na buy-bust ops sa Malolos at Plaridel

CAMP GEN. ALEJO S. SANTOS, Bulacan — Sa patuloy na pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga, matagumpay na nagsagawa ng magkakahiwalay na buy-bust operations ang Bulacan Police Provincial Office noong Feb. 9 hanggang Feb. 10, 2026, na nagresulta sa pagkakaaresto ng 3 drug suspects at pagkakasamsam ng 7 sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang Standard Drug Price (SDP) na P32,320 kabilang ang buy-bust money.

Base sa ulat ni P/Lt. Col. Restituto E. Granil, acting police chief ng Plaridel, 2 drug suspects ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Banga 1st, Plaridel, Bulacan noong Pebrero 10, 2026 bandang ala- ng madaling araw. Nakumpiska mula sa mga suspek ang 3 sachet ng hinihinalang shabu, kabilang ang buy-bust item, na may halagang na P13,600.

Samantala, ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Rommel E. Geneblazo, Chief of Police ng Malolos City Police Station (CPS), isang drug suspect ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng SDEU sa Brgy. Caniogan, Malolos, noong Pebrero 9, 2026 bandang ala-3:45 p.m. Nakumpiska mula sa suspek ang 4 na sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 2.9 gramo at tinatayang nasa P19,720. Ang operasyon ay isinagawa sa koordinasyon ng PDEA PRO3 at iba pang yunit ng PNP.

Ang lahat ng mga naarestong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang himpilan ng pulisya habang isinasagawa ang kaukulang dokumentasyon at inihahanda ang mga kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News