Sunday, February 15, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNews300 bagong beauty industry movers, nagtapos sa E-Beauty Advisory Program ng DTI

300 bagong beauty industry movers, nagtapos sa E-Beauty Advisory Program ng DTI

LUNGSOD NG MALOLOS (PIA) — May 300 kababaihan, kabataan, at miyembro ng LGBTQ+ ang pormal na nagtapos sa ‘Beauty for a Better Life’ E-Beauty Advisory Program o BFBL E-BAP, isang program pangkabuhayan ng Department of Trade and Industry o DTI at L’Oréal Philippines.

Isinagawa ng graduation ceremony sa Bulacan State University sa pangunguna nina DTI Regional Operations Group Assistant Secretary Leonila T. Baluyut at L’Oréal Philippines Country Managing Director Yassine Bakkari.

Ayon kay Baluyut, kaakibat ang programa sa mga prayoridad ng DTI na lumikha ng mas maraming oportunidad sa trabaho sa pamamagitan ng digitalization, artificial intelligence, diversification, at patuloy na mentorship at training.

Sa pamamagitan ng online at hands-on sessions, tinuruan ang mga benepisyaryo sa hair care, skin care, make-up 101, mental health awareness, TikTok content creation, at financial literacy.

Binigyang-diin ni Baluyut na layunin ng programa na palakasin ang kumpiyansa ng mga kalahok at ihanda sila sa pagnenegosyo sa beauty industry, sa pamamagitan ng paglinang ng digital at entrepreneurial competencies.

Para kay Christine Mendoza, isa sa mga nagtapos, malaking oportunidad ang programa upang makapagsima ng sariling kabuhayan mula sa pagbebenta ng mga produktong pampaganda hanggang sa pagtatayo ng salon o pag-aalok ng make-up services, lalo na at lumalakas ang event industry sa Bulacan. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News