LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Nasakote ng mga operatiba ng Pandi MPS ang isang construction worker na pangunahing suspek sa naganap na nakawan sa Matias B. Salvador Elementary School sa Barangay Siling Bata, Pandi nu’ng Marso 4, 2026.
Base sa ulat ng Pandi Municipal Police Station, kinilala ang suspek na nasa 30-anyos at residente ng Brgy. Bulihan.
Nadakip ang suspek noong Miyerkules (Maros 5) sa Brgy. Pulong Gubat, Balagtas, Bulacan sa isang joint operation ng Bulacan police.
Nabawi sa suspek ang ilang ninakaw na gamit kabilang ang sako ng bigas, damit na nakita sa CCTV, at dalawang motorsiklong isinasailalim pa sa beripikasyon.
Sinampahan na ang nasabing suspek ng kasong robbery, at patuloy ang imbestigasyon para hanapin ang iba pang posibleng sangkot o kasamahan nito.
Pinuri ng Bulacan Police Provincial Office ang operasyon bilang resulta ng mahusay na koordinasyon ng mga pulis. (UnliNews Online)
Photo: Bulacan Police Provincial Office

