Saturday, March 28, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNews3 ‘mahihilig sa laman’ sa Baliwag, kalaboso

3 ‘mahihilig sa laman’ sa Baliwag, kalaboso

CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Naaresto ng mga operatiba ng Baliwag City Police Station (CPS) ang 3 indibidwal na sangkot sa kasong Panggagahasa o Rape sa magkakahiwalay na operasyon noong Wednesday (March 25) sa Brgy. Pagala, Baliwag City.

Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Jayson F. San Pedro, Chief of Police ng Baliwag CPS, kinilala ang unang akusado na si alias “Lucky” at residente ng Sto. Cristo, Baliwag, Bulacan. Siya ay naaresto bandang 3:30 ng hapon sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Rape sa ilalim ng Criminal Case No. 1626-M-2026 na walang inirekomendang piyansa.

Samantala, ang ikalawang akusado na si alias “Bert” at residente ng Subic, Baliwag, Bulacan ay naaresto bandang 4:15 ng hapon sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Rape sa ilalim ng Criminal Case No. 1624-M-2026 na wala ring inirekomendang piyansa.

Habang ang ikatlong akusado na si alias “JP” at residente ng La Rosa St., Sto. Cristo, Baliwag, Bulacan ay naaresto naman bandang 5:00 ng hapon sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Rape sa ilalim ng Criminal Case No. 1625-M-2026 na walang inirekomendang piyansa.

Sa kasalukuyan, ang mga akusado ay nasa kustodiya ng Baliwag CPS para sa kaukulang dokumentasyon bago ibalik sa hukuman na naglabas ng mga warrant.

Ayon kay P/Col. Angel L. Garcillano, Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, patuloy ang pinaigting na operasyon ng kapulisan laban sa mga wanted person upang mapanagot ang mga lumalabag sa batas at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong lalawigan ng Bulacan. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News