Saturday, March 28, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNews4 timbog sa iligal na baril, droga sa Norzagaray

4 timbog sa iligal na baril, droga sa Norzagaray

CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Apat na indibidwal ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng Norzagaray Municipal Police Station laban sa iligal na baril na nauwi rin sa pagkakabisto ng iligal na droga kamakailan sa Brgy. Bitungol, Norzagaray.

Batay sa ulat, ikinasa ng mga operatiba ng kanilang Intelligence/SDEU ang operasyon bandang 11:30 ng gabi sa kahabaan ng Sitio Matandang Barrio sa nasabing barangay na nagresulta sa pagkakaaresto sa apat na suspek.

Narekober mula sa mga suspek ang isang unit ng caliber .45 COLT MK IV Series 80 na may serial number 271907 na kargado ng tatlong (3) bala, kapalit ng buy-bust money na nagkakahalaga ng Php 1,000 at siyam (9) na piraso ng boodle money.

Sa isinagawang body search, nakumpiska rin mula sa kanilang pag-iingat ang 11 sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 14 na gramo na may tinatayang nagkakahalaga na P95,200. Narekober din ang 1 unit ng Honda BR-V na kulay orange na ginamit umano sa kanilang ilegal na aktibidad.

Ang mga naarestong suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Norzagaray MPS para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon. Sila ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) at Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News