Friday, April 3, 2026
Amana Water Park
HomeNational NewsGROTTO, Pagninilay… Semana Santa 2026

GROTTO, Pagninilay… Semana Santa 2026

Nina Verna Ching Santos at Allan Roi Casipit

TAON-TAUN ipinagdiriwang ng sankatauhang kristiyano ang paggunita sa sakripisyo ng ating Panginoong Hesukristo ang pag alala sa kaniyang dinanas na hirap at pasakit sa krus ng kalbaryo para tubusin ang kasalanan ng mga tao.

Sa pagkakataong ito ang mga katoliko ay nagninilay- nilay o nagsisisi sa mga nagawang kasalanan at taimtim na nag aalay ng panalangin sa paraan ng kanilang pananampalataya at nananalig sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.

Bilang paggunita isang deboto sa Lalawigan ng Rizal sa Bayan ng Rodriquez ang nagtayo ng isang grotto ng “Our Lady of Mercy” na matatagpuan sa Sitio Balagbag, Barangay Macabud.

Ang naturang grotto ay pag mamay ari na kilala sa taguring Boss Alex. Unang matatanaw sa nabanggit na lugar ang bahagdan na may 247 na steps o baitang na patungo sa ituktok nito at mayroon din 17 estasyon na naglalarawan ng mga imahe bago ipako sa krus si Hesus upang tubusin ang ating mga kasalanan at sa pinaka dulong bahagi nito ay masisilayan naman si Mama Marry.

Ang grotto na ‘Our Lady of Mercy ay nananatiling bukas sa lahat sa buong taon anoman oras at araw para sa mga magnanais na pumunta dito at walang babayaran kahit entrance. Sa panahon naman ng mahal na araw o Semana Santa si Boss Alex ay may handog na libreng pagkain para sa mga bumibisita mula lunes santo hanggang biyernes santo.

Kung sakali naman na magkaroon ng aberya sa mga deboto ay matiyagang nakaantabay at handang rumesponde ang “Kabayan Action Group Grotto” sa pangunguna ni Kagawad Jobel F. Feo, mga tanod, BHW at BDRRMO. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News