Saturday, April 4, 2026
Amana Water Park
HomeOpinionAUTHOR'S VIEWPOINTSinaunang paniniwala na namamatay ang ‘Diyos’ tuwing Viernes Santo?

Sinaunang paniniwala na namamatay ang ‘Diyos’ tuwing Viernes Santo?

MALAYO na ang ating naabot sa larangan ng information technology at maging ang banal na kasulatan ay makikita na sa Internet sa iba’t ibang wika at version kaya kahit sa cellphone ay puwede ng magbasa ng bibliya at suriin ang mga nilalaman nito mula sa aklat ng Genesis hanggang Apocalipsis.

Sa kabila ng mga kaalaman ito ay marami pa rin Pilipino ang nakagapos sa sinaunang paniniwala na ang Diyos ay namamatay tuwing Viernes Santo, bagay na hindi matatanggap kahit pa ang Simbahang Katoliko. Bakit nga ba sila nakakapit sa paniniwalang ito na walang basehan?

Noong sakupin tayo ng mga Kastila, dinala nila ang Kristiyanismo ayon sa kanilang katuruan. Itinuro nila sa noo’y mga katutubong Pilipino ang katuruang Katoliko ayon sa estilong Kastila. Isinesermon ng noo’y mga paring prayle ang ebanghelyo na si Cristo ay isinilang sa mundo, nagbuhat sa Diyos Ama, nagkatawang tao at nakipamayan sa mga tao bilang tao.

Itinuro din ng mga Kastila ang pangingilin tuwing Mahal na Araw. Sa mga Kastila rin natutuhan ng mga sinanunang Pilipino ang ideya ng senakulo na kung saan ay kanilang inilalarawan ang naging buhay ni Jesus noong siya ay usigin ng mga Hudyo at hatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng pagpako sa krus.

Naituro din sa mga sinaunang Pilipino na pagkaraang mamatay sa krus si Jesus ay inilibing siya ng kanyang mga alagad at mga disipulo subalit makaraan ang tatlong araw, si Jesus ay nabuhay na mag-uli.

Iba kasi ang naging interpretasyon ng mga kababayan natin na hindi nagsusuri ng bibliya at hindi rin regular na nagsisimba o kung sumimba man ay tuwing pistang nayon lamang. Kaya natanim na sa kanilang mga kaisipan na tuwing sumasapit ang Semana Santa ay namamatay si Jesus at muling nabubuhay taon-taon – ipinapanganak taun-taon tuwing December25.

Natatandaan ko pa noong bata pa ako, sinasabihan kami ng mga matatanda noon tuwing Viernes Santo, na huwag daw kaming magsasabi ng masasamang salita tulad ng pagmumura. Sabi sa amin ng matatanda. “Huwag kayong magmumura patay ang diyos ngayon. Aagawin kayo ng diablo.” Ang mga matatandang nagsabi niyon ay wala namang kaalaman sa banal na kasulatan.

Kaya mula noon niyakap ng mga Pilipinong hindi nagbabasa ng banal na kasulatan ang paniniwala na namamatay ang Diyos tuwing Viernes Santo at muling nabubuhay tuwing Pasko ng Pagkabuhay (Easter Sunday), samantalang ang mga paring Katoliko na mismo ang nagsasabi sa kanilang sermon na ang ginagawang religious activities ng mga kaanib ng Simbahang Katoliko tuwing Lenten Season ay paggunita lamang nila sa sakripisyong ginawa ni Jesus mahigit tatlong libong taon na ang nakakaraan dahil sa pag-ibig niya sa sanlibutan. Hindi namamatay ang Diyos dahil siya ay makapangyarihan. Ang katawang tao lamang ni Jesus ang namatay at nang muling nabuhay ay taglay na niya ang glorified body o katawang wala ng kamatayan.

Ang mga simbahang Protestante naman ay malinaw ang mensahe ng mga pastor na ang pag-alaala na ginagawa ng mga mananampalatayang Kristiyano tuwing Mahal na Araw ay paggunita lamang sa ginawang pagtubos ni Kristo sa kasalanan ng sanlibutan sa pamamagitan ng kanyang sariling dugo na nabubo doon sa bundok ng kalbaryo at ang kaligtasang iyan ay palaging nakahain sa sinomang tatanggap na si Cristo ay Panginoon at tagapagligtas. Minsan lang siyang namatay doon sa krus at nabuhay at nabubuhay habang panahon at si Jesus ay babalik sa mundo taglay ang kapangyarihan ng Diyos upang igawad ang hatol sa lahat ng tao na nabubuhay at bubuhayin niya ang lahat ng taong namatay upang isagawa ang paghuhukom ayon sa mga nagawang kabutihan maging ang nagawang kasamaan ng mga tao. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News