Monday, April 6, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsLibreng gasolina, ipinamahagi sa Bulacan

Libreng gasolina, ipinamahagi sa Bulacan

Ni Ronalyn Cruz

BILANG tugon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo, sinimulan na ni Gobernador Daniel R. Fernando ang pamamahagi ng libreng krudo para sa mga apektadong jeepney driver sa Lalawigan ng Bulacan noong Lunes (March 30).

Namahagi ang gobernador ng halagang P500 na gasolina sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa mga tsuper na myembro ng Bulacan Federation of Jeepney Operators and Drivers Association, Inc (BFJODA).

Ang aktibidad ay unang yugto ng fuel subsidy program na may layuning magpaabot ng agarang tulong sa mga sektor ng pampublikong transportasyon na unang apektado ng pagtaas ng mga produktong petrolyo.

May kabuuang 500 drayber ng jeep mula sa Lungsod ng Malolos at Baliwag, at mga Bayan ng Plaridel, Pulialn at Santa Maria ang nakatanggap ng libreng gasolina na mula mismo sa sariling bulsa ng gobernador.

“Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, mahalagang matulungan natin ang ating mga drayber na patuloy na nagsisilbi sa ating mga kababayan. Ang maliit na tulong na ito ay para maibsan ang kanilang gastusin at masuportahan ang kanilang kabuhayan,” tugon ni Fernando.

Inaasahan na magpapatuloy ang pamamahagi sa mga susunod na araw upang maabot ang mas marami pang benepisyaryo sa sektor ng transportasyon. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News