Tuesday, April 7, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNews1,776 TODA members sa Malolos, nakatanggap ng 'ayuda' mula sa LGU

1,776 TODA members sa Malolos, nakatanggap ng ‘ayuda’ mula sa LGU

Ni RONALYN CRUZ

SA unang pamamahagi Cash Relief Assistance sa sektor ng transportasyon na sinimulan nitong Ika-1 ng Abril, 2026 tinatayang 1,776 na benepisyaryo ang nakatanggap mula sa Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa panunguna ni Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad.

Bilang suporta sa sektor ng transportasyon sa Malolos, nakatanggap ang bawat myembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) ng P3,000 na magagamit nila upang dagdag pantustos sa patuloy na tumataas ng presyo ng krudo. Kabilang sa mga nakatanggap ay ang MMSITODA, SIKBM, SPC, MAPUMA, 3H TODA, MXM, PMAA, STMC, CHSP, MASTDA, MCNS, SPCM, NSSAS, MCM, DDBAM, GMC, SUDABULI, SMHR, at MASA.

Kamakailan lamang ay namahagi rin ng tulong pinansyal ang Pamahalaang Lungsod sa mga pamilya ng mga OFW na apektado ng kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Nakatakda namang sumunod ang iba pang sektor ng transportasyon sa mga susunod na araw. Patunay lamang ito ng dagliang suporta ng Pamahalaang Lungsod sa mga mamamayan nito. (UnliNews Online)

Photos: Malolos CIO

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News