Monday, April 13, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsBulacan, kikilos nang maagap upang maiwasan ang anumang karagdagang pinsala sa kapaligiran...

Bulacan, kikilos nang maagap upang maiwasan ang anumang karagdagang pinsala sa kapaligiran ng quarry operations — Gov. Fernando

(Ang opisyal na pahayag ni Gov. Daniel R. Fernando)

LUBOS nating sinusuportahan at pinahahalagahan ang kautusan ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas kaugnay ng issuance ng Writ of Kalikasan at Temporary Environmental Protection Order laban sa quarrying operation ng Halrey Construction, Inc. sa Angat River–Bustos Dam Watershed.

Bagama’t hindi pa natatanggap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang opisyal na kopya ng kautusan, malinaw ang ating posisyon: ang pangangalaga sa kalikasan ay isang prayoridad na nakadambana sa ating The People’s Agenda 10, at anumang gawain na nagdudulot ng pinsala sa ating kapaligiran lalu’t higit sa ating protected forest reserve ay hindi natin kailanman kukunsintihin at ipagwawalang-bahala.

Kaugnay nito, mahigpit kong ipinag-utos sa Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO) ang agaran, masusi, at walang kinikilingang pagrepaso sa lahat ng kaugnay na aktibidad sa usaping ito. Kaalinsabay nito, nais kong ipahayag ang buong pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan sa anumang imbestigasyon na isasagawa ng mga kinauukulang ahensya.

Habang hinihintay ang pormal na kopya ng kautusan, tinitiyak ko na ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ay kikilos nang maagap upang maiwasan ang anumang karagdagang pinsala sa kapaligiran, kabilang ang pagpapatupad ng mga kinakailangang hakbang upang kagyat na mahinto ang anumang quarrying, excavation, earth extraction, o katulad na aktibidad na sasaklawin ng utos ng Korte Suprema sa loob at kapaligiran ng watershed.

Bilang Gobernador, malinaw ang aking personal na paninindigan noon pa man—walang puwang sa Lalawigan ng Bulacan ang anumang iligal na aktibidad na sisira sa ating kalikasan at maglalagay sa panganib sa kapakanan ng ating mamamayan. Ang Angat River–Bustos Dam Watershed ay hindi lamang likas-yaman — ito ay tubig, buhay, kabuhayan at kinabukasan ng ating mga mamamayan.

Sa usaping ito, taglay pa rin natin ang matibay na posisyon — ang kalikasan ay protektahan sa lahat ng pagkakataon, at ang sinumang lalabag ay tiyak na may pananagutan sa batas. Hindi tayo mag-aatubiling gumawa ng matitibay na hakbang—gaano man kahirap—kung ito ay para sa kapakanan ng kalikasan at ng ating mga mamamayan. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News