Friday, April 17, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNews2 ‘tirador’ ng motorsiklo sa SJDM, arestado!

2 ‘tirador’ ng motorsiklo sa SJDM, arestado!

CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Dalawang suspek sa kasong carnapping ang naaresto ng mga operatiba ng San Jose Del Monte City Police Station (SJDM CPS) matapos ang isinagawang follow-up operation kaugnay ng pagnanakaw ng isang motorsiklo sa nabanggit na lungsod.

Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Reyson M. Bagain, Chief of Police ng SJDM CPS, naganap ang insidente bandang alas-5 ng hapon noong Abril 12, 2026 sa University Heights, Brgy. Kaypian.

Ang biktima ay isang 23-anyos na residente ng Brgy. Sto. Cristo, CSJDM, Bulacan. Ninakaw ng mga suspek ang kanyang motorsiklo sa nasabing lugar. Ang insidente ay ini-report sa SJDM CPS bandang alas-4:20 ng madaling araw ng Abril 13, 2026.

Sa isinagawang imbestigasyon, napag-alaman na ang mga suspek ay nagpakilalang kaibigan ng saksi na siyang nagmamaneho ng naturang motorsiklo. Kalaunan ay puwersahan nilang kinuha ang motorsiklo at mabilis na tumakas mula sa lugar.

Agad na humingi ng tulong sa pulisya ang biktima at saksi na nagresulta sa agarang follow-up operation ng mga operatiba ng SJDM CPS. Sa nasabing operasyon ay naaresto ang dalawang suspek matapos nilang ituro ang lugar kung saan nila ibinenta ang ninakaw na motorsiklo. Ang insidente ay nagresulta rin sa pagkakarekober ng motorsiklo noong alas-11:30 ng gabi ng Abril 13, 2026 sa Brgy. Kaypian, CSJDM, Bulacan.

Ang dalawang naarestong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng SJDM CPS at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10883 o Anti-Carnapping Act of 2016. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News