PANDI, Bulacan — Sa pagdiriwang ng Solo Parents Week, yakap at kalinga ang ipinadama ni Mayor Rico Roque at mga miyembro ng Sangguniang Bayan na matagumpay na naisagawa ang Solo Parents Caravan sa Pandi Sports Complex kamakailan.
Ito ang paglalaan ng isang araw ng mga public officials sa nabanggit na bayan para magbigay-serbisyo at magbigay-pugay sa mga tunay na bayani ng tahanan.
Handog ng local government ang iba’t ibang serbisyong mula Notary Services, PhilSys Registration, PhilHealth Application/Renewal, hanggang Meralco Lifeline Rate Application na pinakinabangan ng halos 600 Solo Parents na dumalo.

“Ang araw po na ito ay patunay ng inyong tibay, sakripisyo, at walang kapantay na pagmamahal. Kayo ang nagsisilbing ilaw sa bawat tahanan at haligi ng kinabukasan ng inyong mga anak,” ani Mayor Roque.
Dagdag pa ng alkalde, “Mabuhay po kayo, mahal naming Solo Parents!” (UnliNews Online)
Source: Pandi PIO

