Saturday, April 25, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsMangingisda at magsasaka, tumanggap ng tulong-pinansiyal sa Pamahalaang Lungsod ng Malolos

Mangingisda at magsasaka, tumanggap ng tulong-pinansiyal sa Pamahalaang Lungsod ng Malolos

LUNGSOD NG MALOLOS — Mga mangingisda at magsasaka naman dito sa naturang lungsod ang tumangggap ng tulong-pinansyal na nagkakahalaga ng tig-P3,000 mula sa Pamahalaang Lungsod ng Malolos bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta sa kanilang kabuhayan sa gitna ng umiiral na mga hamon sa ekonomiya.

Sa isinagawang distribusyon noong Huwebes (April 23, ipinagpatuloy pa ng lokal na pamahalaan ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga TNVS drivers at food delivery drivers. Layunin nitong matulungan ang mas maraming sektor na lubos na naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng langis at iba pang pangunahing bilihin.

Ayon kay Mayor Christian D. Natividad, ang mga magsasaka at mangingisda ay kabilang sa mga sektor na patuloy na nahaharap sa pabago-bagong kondisyon ng panahon at pagtaas ng gastos sa produksyon. Samantala, ang mga TNVS at delivery drivers naman ay direktang naaapektuhan ng mataas na presyo ng gasolina at kompetisyon sa hanapbuhay.

Ikinatuwa naman ng mga benepisyaryo ang patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan. Ayon sa ilang nakatanggap, malaki ang maitutulong ng nasabing halaga upang maibsan ang kanilang pang-araw-araw na gastusin at maipagpatuloy ang kanilang kabuhayan.

Binigyang-diin ni Natividad na ang naturang programa ay bahagi ng kanilang mas malawak na layunin na mapanatili ang katatagan ng kabuhayan ng mga Maloleño, lalo na ang mga nasa sektor na lubhang nangangailangan ng tulong.

Sa kabila ng mga hamon, pa ng alkalde na magpapatuloy ang mga programang naglalayong maiangat ang antas ng pamumuhay ng bawat mamamayan sa lungsod. (UnliNews Online)

Source: Malolos CIO

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News