CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Matagumpay na naaresto ng mga operatiba ng Norzagaray Municipal Police Station ang isang additional most Wwnted person Top 1 sa Municipal Level sa isinagawang operasyon sa Guballa Compound, Brgy. Tigbe, Norzagaray, Bulacan noong Biyernes ng gabi (Mayo 1).
Ayon sa ulat ni P/Maj. Demosthenes G. Desiderio Jr., OIC ng Norzagaray MPS, kinilala ang naarestong akusado na isang 20 taong gulang na construction worker, at residente ng Guballa Compound.
Nagsagawa ng operasyon ang Tracker Team ng Norzagaray MPS na nagresulta sa pagkakaaresto ng akusado sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Statutory Rape. Ang naturang warrant ay inisyu at nilagdaan ni Hon. Maria Zenaida Bernadette Tamayo Mendiola, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Third Judicial Region, Branch 80, Malolos, Bulacan noong Abril 24, 2026, na may Criminal Case No. 2145-M-2026 at walang inirekomendang piyansa.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Norzagaray MPS Custodial Facility ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.
Patuloy ang pinaigting na operasyon ng Bulacan Police Provincial Office sa pamumuno ni P/Col. Jay B. Baybayan, Officer-In-Charge, laban sa mga Most Wanted na personalidad upang matiyak ang agarang pagdakip sa mga lumalabag sa batas at maibigay ang hustisya sa mga biktima. (UnliNews Online)

