CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Naaresto ang isa sa dalawang suspek sa pagpatay (stabbing incident) sa Barangay Panghulo, Obando nung Huwebes bandang alas-3:55 ng hapon (Mayo 7).
Ayon sa ulat ni P/Maj. Erickson S. Miranda, Hepe ng Obando Municipal Police Station (MPS) kay P/Col. Jay B. Baybayan, Officer-In-Charge ng Bulacan Police Provincial Office, ang biktima na kinilalang si alias Ric na pinasok sa loob ng kanyang bahay at pinagsasaksak ng dalawang suspek na sakay ng Honda Click motorcycle.
Agad na naglunsad ng hot pursuit operation ang Obando MPS katuwang ang Provincial Intelligence Unit (PIU) na pinamumunuan ni Major Mark Anthony E. Tiongson nagsagawa ng ang CCTV backtracking at nagresulta sa pagkakatunton sa pinangyarihan kung saan natagpuan ang abandonadong motorsiklo sa San Vicente Village, Maysilo, Malabon City.
Sa patuloy na imbestigasyon, natukoy at naaresto ang isa sa mga suspek na kinilalang si alias Alex, 51 taong gulang at residente ng Navotas City, matapos itong dalhin sa Philippine General Hospital para sa medikal na atensyon kung saan positibo itong nakilala ng mga saksi. Habang ang isa pang suspek ay patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad.
Ang naarestong suspek ay ipinaalam ang kanyang mga karapatang konstitusyonal alinsunod sa RA 7438 at RA 9745, habang patuloy na isinasagawa ang follow-up operation para sa pagtugis sa kasabwat na si alyas “Rovy”
Inihahanda na rin ang kaukulang kaso laban sa mga suspek para sa isasampang reklamo sa Office of the Provincial Prosecutor sa Malolos City, Bulacan.
Binigyang-diin ni P/Col. Baybayan, na hindi titigil ang kapulisan sa pinaigting na mga operasyon upang mabilis na maresolba ang mga krimen, matiyak ang hustisya para sa mga biktima, at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong lalawigan ng Bulacan. (UnliNews Online)

