Sunday, May 17, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNews375 Kalabaw, bida sa ‘Kneeling Carabao Festival’ sa Pulilan

375 Kalabaw, bida sa ‘Kneeling Carabao Festival’ sa Pulilan

LUNGSOD NG MALOLOS — Bumida ang 375 na kalabaw at 19 na karosa sa makulay na parada ng Kneeling Carabao Festival noong Huwebes (Mayo 14) bilang pasasalamat kay San Isidro Labrador sa masaganang ani at biyayang ipinagkakaloob sa mga magsasaka.

Tampok sa pagdiriwang na dinaluhan ni Bise Gob. Alexis C. Castro ang tradisyunal at dinarayo na pagluhod ng mga kalabaw sa harap ng Diocesan Shrine and Parish of San Isidro Labrador at lumang gusali ng PUP sa Brgy. Poblacion, at sa Colegio de Sta. Philomena sa Brgy. Paltao, na sinabayan pa ng sama-samang pagsigaw ng “Viva San Isidro” na sumisimbolo sa debosyon ng mga magsasaka at ng mga taga-Pulilan.

Ayon kay Punong Bayan Rolando Peralta, Jr., sa kabila ng krisis na nararanasan sa iba’t ibang bahagi ng mundo, sinikap pa rin ng Pamahalaang Bayan na maisagawa ang pagdiriwang upang manatiling buhay ang tradisyon ng pasasalamat ng mga magsasaka ng kanilang bayan.

Ibinigay rin niya ang kaniyang panig sa mga isyu na kumalat patungkol sa makulay na monumento ng kalabaw na sikat sa Pulilan.

“Nakita n’yo ba ‘yung Kneeling Carabao Monument namin? Diba naging sensationalize siya? Sabi, bakit ‘yung kalabaw kinulayan ng iba’t ibang kulay? Pero ang kalabaw ay kulay itim. Kasi po, sa Kneeling Carabao Festival namin, ito ay aming pinipintahan dati noong hindi pa ipinatutupad ang Animal Welfare Act,” ani Peralta.

Samantala, ginanap ang Thanksgiving Concert sa Pulilan Plaza kahapon Mayo 15, 8:00 ng gabi, bilang panapos na aktibidad sa pagdiriwang. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News