Monday, May 18, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsP340K halaga ng shabu, bistado matapos ang aksidente sa Meycauayan

P340K halaga ng shabu, bistado matapos ang aksidente sa Meycauayan

CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Nadiskubre ng mga otoridad ang hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P340,000 matapos ang isang vehicular self-accident na nagresulta rin sa multiple physical injuries at damage to property bandang ala-1:15 ng madaling araw noong Linggo (May 17) sa McArthur Highway, Brgy. Saluysoy, City of Meycauayan.

Base sa ulat ni P/Lt. Col. Melvin M. Florida Jr., Chief of Police ng Meycauayan City Police Station (CPS), sangkot sa insidente ang isang Mio Soul motorcycle na minamaneho ni alyas “Andy,” 39 taong gulang at residente ng Caloocan City, kasama ang kanyang backride na si alyas “Kim,” 28 taong gulang at residente rin ng Caloocan City.

Habang binabaybay umano ng motorsiklo ang northbound lane, napansin umano ng rider ang police checkpoint dahilan upang pabilisin nito ang takbo ng sasakyan hanggang sa bumangga ito sa isang nakaparadang tractor head truck sa gilid ng kalsada.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang motorsiklo at nagtamo ng pinsala ang dalawang sakay na agad isinugod sa pagamutan para sa agarang lunas. Sa isinagawang pagresponde, napansin na nakabukas ang top box ng motorsiklo kung saan tumambad at nagkalat sa kalsada ang ilang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Nakumpiska mula sa pinangyarihan ang mga plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na humigit-kumulang 50 gramo at may Standard Drug Price na P340,000.

Dinala naman sa Meycauayan CPS ang mga sasakyan at nakumpiskang ebidensya para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon habang sasailalim sa forensic examination ang mga hinihinalang ilegal na droga.

Binigyang-diin ni P/Col. Jay B. Baybayan, Officer-In-Charge ng Bulacan Police Provincial Office, na patuloy ang pinaigting na kampanya ng Bulacan PPO laban sa ilegal na droga at iba pang kriminalidad upang maprotektahan ang komunidad at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong lalawigan ng Bulacan. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News