Tuesday, May 19, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsBaril at droga, nasamsam sa buy-bust ops ng Norzagaray PNP

Baril at droga, nasamsam sa buy-bust ops ng Norzagaray PNP

CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Nasakote ng Norzagaray police ang isang lalaking sangkot sa iligal na droga at baril sa isinagawang buy-bust operation noong Sabado (Mayo 16) sa harap ng Sotero Punzal Farm, kahabaan ng Sitio Matandang Barrio Road, Brgy. Bitungol, Norzagaray, Bulacan.

Batay sa ulat ni P/Maj. Demosthenes G. Desiderio Jr., Officer-in-Charge ng Norzagaray MPS, kinilala ang naarestong suspek na si alias JA at residente ng North Hills Village, Brgy. Tigbe, Norzagaray, Bulacan. Isinagawa ang operasyon ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU).

Sa operasyon ay nakumpiska ang 3 piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na humigit-kumulang 5 gramo at may Standard Drug Price na P34,000.00.

Narekober din ng mga operatiba ang 1 pirasong limang daang pisong buy-bust money, 1 improvised caliber 9mm pen-gun na walang serial number na loaded ng 1 live ammunition, at isang kulay brown na sling bag.

Ang naarestong suspek at mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Norzagaray MPS para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng RA 9165 at paglabag sa RA 10591. Isasailalim din sa pagsusuri ng Bulacan Provincial Forensic Unit ang mga nakumpiskang ebidensya.

Ayon kay P/Col. Jay B. Baybayan, Officer-In-Charge ng Bulacan Police Provincial Office, patuloy ang mas pinaigting na kampanya ng Bulacan PPO laban sa ilegal na droga at loose firearms upang matiyak ang kaligtasan ng mamamayan at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong lalawigan ng Bulacan. Binigyang-diin niya na mananatiling agresibo ang operasyon ng kapulisan laban sa lahat ng uri ng kriminalidad. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News