PANDI, Bulacan — Walang mapagsidlan ng tuwa ang mga lolo at lola sa nasabing bayan nang tanggapin nila kamakailan ang kanilang Social Pension mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), na quarterly na nilang matatanggap.
Ayon kay Mayor Rico Roque, makikita sa mga ngiti nila lolo at lola ang kanilang mga ngiti ang saya at pasasalamat hatid ng programang ito na magsisilbing tulong para sa pambili ng maintenance na gamot, pagkain, at iba pang mahahalagang pangangailangan sa araw-araw.

Patuloy po inilalapit ng Pamahalaang Bayan ng Pandi ang mga programang katulad nito upang maramdaman ng bawat Senior Citizens na sila ay mahalaga, inaalagaan, at hindi nakakalimutan.
“Dahil sa Bayan ng Pandi, bawat serbisyo ay may malasakit, may aksyon, at may tatak puso at talino para sa bawat Pandieño,” dagdag pa ni Mayor Roque. (UnliNews Online)

