Sunday, May 31, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsBabaeng ‘tulak’ ng droga sa Bocaue, arestado; P115K shabu kumpiskado!

Babaeng ‘tulak’ ng droga sa Bocaue, arestado; P115K shabu kumpiskado!

CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Nasakote ng mga operatiba ng Bocaue Municipal Police Station ang isang babae matapos mahuling nagbebenta ng iligal na droga sa inilatag na buy-bust operation sa Brgy. Caingin, Bocaue, Bulacan noong Biyernes (Mayo 29).

Ayon sa ulat ni P/Lt. Gilbert C. Diaz, Chief of Police ng Bocaue MPS, nagsagawa ng anti-illegal drug operation ang mga operatiba ng Bocaue MPS, bandang 2:40 ng madaling araw na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek na si alias “Ejok,” at residente ng Brgy. Caingin, Bocaue, Bulacan.

Sa isinagawang operasyon, matagumpay na nakabili ang mga otoridad ng hinihinalang shabu kapalit ng 1 pirasong marked money na nagkakahalaga ng P1,000. Nakumpiska rin mula sa suspek ang walong piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu kabilang ang buy-bust item, na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 17 gramo at may standard drug price na P115,600.

Narekober din sa operasyon ang 1 digital weighing scale, isang black coin purse, at ang ginamit na marked money bilang bahagi ng mga ebidensya. Ang pagmamarka, inventory, at pagkuha ng litrato sa mga nakumpiskang ebidensya ay isinagawa sa lugar ng operasyon sa presensya ng mga kinatawan mula sa DOJ, media, at barangay alinsunod sa Section 21 ng RA 9165.

Matapos ang operasyon ay agad na inaresto ang suspek at ipinaalam sa kanya ang kanyang mga karapatang naaayon sa batas. Dinala ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya sa Bocaue MPS para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News