Saturday, May 30, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNews‘Onse’ ng Brgy. Caingin, timbog sa baril at droga sa Malolos PNP

‘Onse’ ng Brgy. Caingin, timbog sa baril at droga sa Malolos PNP

CAMP. Alejo Santos, Bulacan — Arestado ang isang lalaki matapos mahuling nagbebenta ng iligal na droga at makumpiskahan ng hindi lisensyadong baril sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Malolos City Police Station (CPS) sa Brgy. Caniogan, City of Malolos, Bulacan nitong Sabado (Mayo 30).

Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Rommel E. Geneblazo, Chief of Police ng Malolos CPS, nagsagawa ng Anti-Illegal Drug Operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 3 bandang 12:45 ng madaling araw na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek na si alias “Onse,” 31 anyos at residente ng Brgy. Caingin, City of Malolos, Bulacan.

Sa isinagawang operasyon, nahuli ang suspek habang nagbebenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa isang undercover na awtoridad kapalit ng 1 piraso ng P500 marked money.

Sa isinagawang body search, nakumpiska pa mula sa suspek ang isa pang sachet ng hinihinalang shabu na nakalagay sa isang coin purse, gayundin ang buy-bust money. Nakumpiska rin ang 1 caliber .22 revolver, 3 piraso ng live ammunition, at isang camouflage holster. Ang kabuuang timbang ng mga nakumpiskang hinihinalang shabu ay humigit-kumulang 1 gramo na may standard drug price na P6,800.00.

Matapos ang operasyon ay agad na inaresto ang suspek at ipinaalam sa kanya ang kanyang mga karapatang naaayon sa batas. Ang inventory at pagkuha ng litrato sa mga nakumpiskang ebidensya ay isinagawa alinsunod sa umiiral na mga alituntunin sa harap ng mga kinatawan mula sa barangay, media, at Department of Justice (DOJ).

Dinala ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya sa Bulacan Provincial Forensic Unit para sa kaukulang laboratory examination at ballistic examination bago isinailalim sa medical examination. Kasalukuyang nasa kustodiya ng Malolos CPS ang suspek habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News