Ni Ronalyn Cruz
LUNGSOD NG MALOLOS — Nagtungo sina Assistant of the Ombudsman Mico Clavano at Department of the Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon sa Office of the Clerk of Court sa Bulwagan ng Katarungan sa Capitol Compound ng Lalawigan ng Bulacan noong Thursday morning (June 4).
Inilatag ng mga tauhan ng Ombudsman sa Clerk of Court ang mga dokumento para sa inihain na reklamong graft at malversation sa nasabing opisina laban kay Curlee Discaya ng St. Timothy Construction Corp. at iba pa.
Kasama rin sa kinasuhan ang ilang opisyal ng DPWH Bulacan 1st District Engineering Office na sina Meng Jarun Laus, Brice Ericson Hernandez, Jaypee Mendoza, Ernesto Galang, Norberto Santos, Lorenzo Pagtalunan, Juanito Mendoza at Floralyn Simbulan.
Ang nasabing reklamo ay nag-ugat umano sa rehabilitasyon ng river structure sa Barangay Bulusan, sa bayan ng Calumpit na ipinatupad ng DPWH Bulacan 1st District Engineering Office.
Dismayado naman ang mga Malolenyo na walang bagong pangalang lumitaw upang managot sa mga palpak na proyektong flood control kabilang ang Lungsod ng Malolos kung saan mayroon ring mga ghost projects ang nasabing kontraktor.
Sa naging pahayag ni Mayor Christian D. Natividad sinabi niyang dama nya ang sentimyento ng mga Malolenyo na umasang may bagong pangalan na mapapanagot sa mga katiwaliang hanggang sa kasalukuyan ay nagpapahirap sa mga Pilipino. (UnliNews Online)

