CAMP GEN. ALEJO SANTOS, Bulacan — Isang drug suspect ang naaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Bustos Municipal Police Station sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Malamig, Bustos, Bulacan noong Linggo (June 21).
Ayon sa ulat ni P/Capt. Heherson M. Zambale, Hepe ng Bustos MPS, nagsagawa ng anti-illegal drug operation ang mga operatiba ng SDEU ng Bustos MPS na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek bandang 2:50 ng hapon.
Nakumpiska mula sa suspek ang humigit-kumulang 100 gramo ng hinihinalang marijuana na may tinatayang halaga na humigit-kumulang P12,000.00 at narekober din mula sa kanyang pag-iingat ang isang improvised pistol na walang serial number na may lamang isang live ammunition para sa caliber 5.56.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Pinuri ni PCol. Jay B. Baybayan, Acting Provincial Director ng Bulacan PPO, ang matagumpay na operasyon at binigyang-diin ang patuloy na mahigpit na kampanya ng kapulisan laban sa ilegal na droga at mga iligal na armas. Aniya, mananatiling agresibo ang Bulacan PPO sa pagsugpo sa mga gawaing nagdudulot ng panganib sa kapayapaan at kaayusan sa lalawigan ng Bulacan. (UnliNews Online)

