Sunday, August 23, 2026
Amana Water Park
HomeNational News3,716 Pamilyang Pandieño, tumanggap ng food packs mula sa DSWD

3,716 Pamilyang Pandieño, tumanggap ng food packs mula sa DSWD

PANDI, Bulacan — Nasa 3,716 Pamilyang Pandieño ang tumanggap ng food packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang tugon sa epekto ng malawakang pagbaha sa nasabing bayan na dulot ng pinalakas na Habagat at mga bagyong Luis at Maymay.

Ang naturang pamamahagi sa mga nasalantang Pandieño ay pinangunahan nina Gov. Daniel R. Fernando at Vice Gov. Alex Castro katuwang si Mayor Rico Roque, Bokal Ricky Roque at mga Konsehal ng Bayan na isinagawa sa Amana Royale noong Friday (Aug. 21).

Ang mga food packs ay bahagi ng tulong na ipinamahagi upang masuportahan ang mga pamilyang higit na nangangailangan sa panahon ng pagsubok.

Ayon kay Mayor Roque, sa panahon ng pagsubok, mas nararamdaman po natin ang malasakit sa bawat tulong na sama-sama nating naihahatid sa ating mga ka-Pandieño.

Nagpasalamat naman ang alkalde kay DSWD Secretary Rex Gatchalian sa agarang pangungumusta at pagtitiyak na maipararating ang kinakailangang tulong.

Ipinaabot din ni Mayor Roque ang pasasaamat kina Gov. Fernando, Vice Governor Castro, Bokal Roque, sa PSWDO, MDRRMO, MSWDO, at PNP sa patuloy na malasakit at paglilingkod.

Lubos ang pasasalamat ng mga tumanggap ng ayuda na anila’y malaking tulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

“Sa pagtutulungan, mas nagiging magaan ang bawat pagsubok. Patuloy po tayong magkakaisa para sa ating mga ka-Pandieño,” dagdag pa ng alkalde. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News