Tuesday, July 14, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsMother Leaders at Brgy. Nutrition Scholars sa Malolos, sumailalim sa livelihood skills...

Mother Leaders at Brgy. Nutrition Scholars sa Malolos, sumailalim sa livelihood skills training

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Isang pagsasanay tungkol sa paggawa ng Nutribun ang isinagawa bilang bahagi ng pagdiriwang ng Nutrition Month ng City Training, Employment, and Cooperative Office katuwang ang City Health Office – Nutrition Division ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos noong Lunes (July 13) sa City of Malolos Training Center, Brgy. San Agustin sa nasambit na lungsod.

Bilang panimula, pinasalamatan ni City Nutrition Officer Evangeline F. Paguntalan ang mga dumalo sa pagsasanay. Ayon sa kanya, ang livelihood training na ito ay hindi lang para sa kaalaman ng mga dumalo, ito ay isang hakbang tungo sa pagkakaroon ng malusog na lungsod ng Malolos.

Ang pagsasanay na ito ay dinaluhan ng mga Mother Leaders at Barangay Nutrition Scholars ng Lungsod ng Malolos na nagparehistro at nagpakita ng interes sa pagsali sa naturang pagsasanay, kung saan sumailalim sila sa lektura sa tamang sukat at sangkap na kailangan sa paglikha ng mga nutribuns.

Nang matapos ang pagbibigay ng lektura ni Ma. Ines Rosana L. Recio, TESDA-accredited trainer, nagsimula nang mag-bake ng aktwal na nutribuns ang mga dumalo.

Ang layunin ng pagsasanay na ito ay upang mailapit sa mga barangay sa nasabing lungsod ang kaalaman sa paglikha ng mga nutribuns. Sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga Mother Leaders at Barangay Nutrition Scholars, maipapasa nila sa kanilang mga ka-barangay ang mga natutuhan na magreresulta sa pagkakaroon ng masustansyang pagkain para sa bawat kabataan ng Malolos.

Bakas naman ang saya ng mga Mother Leaders at Barangay Nutrition Scholars nang makita at matikman na ang kanilang mga gawang nutribuns.

Inaasahan na ang mga natutuhan ng mga nagsipagdalo ay maging isang sustenableng programa na makapagbibigay ng pagbabago sa nutrisyon ng bawat kabataang Maloleño saang sulok man sa Lungsod ng Malolos.

Dumalo sa pagsasanay sina Evangeline F. Paguntalan – Malolos City Nutrition Officer, Marrianne DC. Mendoza – Pinuno ng CTECO, Cherry D. Mendoza – Focal Person ng Training Division ng CTECO, piling Mother Leaders ng Malolos, Barangay Nutrition Scholars, at ilang kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos. (UnliNews Online)

Source: Malolos City Information Office

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News