Sunday, August 2, 2026
Amana Water Park
HomeOpinion603 projects ng DPWH sa 1st District ng Bulacan, hindi pa tapos!

603 projects ng DPWH sa 1st District ng Bulacan, hindi pa tapos!

UMABOT sa 603 ang bilang ng mga proyektong hindi pa natatapos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Unang Distrito ng Bulacan.

Kaya naman pinatawag ng Sangguniang Panlalawigan ang mga opisyal ng DPWH Bulacan District Office para sumagot at magpaliwanag sa mga proyektong nananatilingnakatengga sa iba’t ibang bayan.

Binusisi ni Vice Governor Alex Castro ang mga nakalinyang gawain at seryosong inusisa at pinapaliwanag and mga namumuno sa 1st DEU.

Aniya, nais malinawagan ng probinsya kung ano na ang balak ng DPWH sa mga hindi pa natatapos na proyekto, lalo na ngayong mainit pa ang isyu ng mga pekeng flood control project.

Base sa datos, kabilang sa 603 na proyekto ang flood control, mga kalsada, water interceptor, gusali ng paaralan at iba pang imprastraktura.

Ayon sa DPWH, may guhit na sila ng plano para dito at target itong aksyunan pagpasok ng 2027 kapag nakarating na ang pondo.

Mariing sinabi ni Vice Gov. Castro: Lahat ng plano na magmumula sa DPWH dapat idaan muna sa Provincial Government.

Para hindi na raw maulit na ang mga Bulakeño at LGU ang huling nakakaalam sa mga proyektong para sa kanila.

Ito ay alinsunod sa Executive Order ni Gov. Daniel Fernando na nag-uutos na i-coordinate sa Pamahalaang Panlalawigan ang lahat ng proyekto ng DPWH.

Panahon na para itigil ang sistema ng “bahala na” at “tapos na sa papel”. Ang mga Bulakeño ay hindi dapat nagiging biktima ng mga proyektong naiiwan at mga kontratistang tumatakas. Kung flood control ang usapan, buhay ng tao ang nakataya. Kaya dapat bukas, malinaw, at may pananagutan ang bawat piso at bawat proyekto.

Hindi pera ng DPWH ang ginagastos dito. Pera ng taumbayan yan. Kaya hindi katanggap-tanggap na sa papel lang tapos ang proyekto. Ang mga Bulakeño deserve na malaman, makita, at makinabang sa bawat proyektong para sa kanila – lalo na yung mga panangga sa baha.(UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News