Wednesday, August 5, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsGunman ng 80-anyos na biktima, ’dakip sa hot-pursuit operation

Gunman ng 80-anyos na biktima, ’dakip sa hot-pursuit operation

CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Nasakote ng Bulacan police ang umano’y gunman na bumaril at nakapatay sa isang 80-anyos na lalaki sa Lungsod ng Baliwag sa isang hot-pursuit operation nu’ng Linggo (Agosto 2).

Base sa ulat ni P/Lt. Col. Eisbon Llamasares chief of police ng Baliwag CPS, bandang alas-7 ng umaga ng pagbabarilin ng salarin ang naturang biktima sa Purok 2, Barangay Piel, Baliwag City at mabilis na tumakas sakay ng isang puting Yamaha Mio Gear na motorsiklo.

Mabilis namang naglatag ng masusing imbestigasyon ang Baliwag PNP at naglunsad ng malawakang operasyon para habulin ang suspek.

Makalipas ang tatlong oras, naaresto ng mga operatiba ng pulisya ang suspek na isang 61-anyos na construction worker na residente ng Barangay San Jose, San Luis, Pampanga.

Nabawi ng mga pulis mula sa suspek ang isang 9mm Smith & Wesson pistol na may nakasalpak na bala, ang puting Yamaha Mio Gear motorcycle na pinaniniwalaang ginamit bilang get-away vehicle, at ang damit na umano’y suot ng suspek noong naganap ang insidente.

Ayon sa pulisya, isa sa mga pangunahing anggulong kanilang sinisiyasat ay ang matagal umanong alitan ng dalawa kaugnay ng isyu sa lupa, na pinaniniwalaang posibleng naging motibo sa pamamaril.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang kabuuang pangyayari at matiyak ang lahat ng detalye ng insidente. Ang suspek ay nahaharap sa kaukulang kaso kaugnay ng krimen. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News