PANDI, Bulacan — Walang barangay ang maiiwan sa mga programang inilulunsad ng pamahalaan upang mas mapalakas ang paghahatid ng serbisyo sa mga komunidad.
Sa ilalim ng Bawat Barangay Makikinabang (BBM) Program ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., bawat barangay sa naturang bayan ay nakatanggap ng halagang P200,000 na maaaring magamit para sa mga proyektong tutugon sa kanilang mga pangangailangan.

Ayon kay Mayor Rico Roque, hindi lamang ito dagdag pondo, kundi isang pagkakataon upang mas mapabilis ang pagpapatupad ng mga proyekto at mas mailapit ang serbisyo sa ating mga ka-Pandieño sa bawat Barangay.
“Patuloy ang pakikipagtulungan ng Pamahalaang Bayan ng Pandi sa mga katuwang na ahensya upang mas mapalawak ang mga programang direktang nakakatulong sa ating mga komunidad,” ani Mayor Roque.
Sa Pandi, tuloy-tuloy ang serbisyo para sa bawat Pandieño! (UnliNews Online)

