Friday, August 7, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsBig-time pusher arestado sa SJDM drug bust, P3.4M shabu nasamsam!

Big-time pusher arestado sa SJDM drug bust, P3.4M shabu nasamsam!

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Isang big-time pusher na sangkot sa malawakang pagpapakalat ng iligal na droga sa Bulacan at mga kalapit na bayan sa Pampanga ang naaresto sa Barangay Tungkong Mangga, Lungsod ng San Jose del Monte.

Batay sa ulat na ipinadala sa UnliNews Online noong Biyernes ng umaga (Aug. 7), ang drug suspect ay kinilalang si alyas “Tol,” nasa hustong gulang at residente ng Caloocan City

Nakakumpiska sa naturang big-time suspect ng humigit-kumulang 500 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P3,400,000.00 sa isang buy-bust operation noong Huwebes ng hapon.

Bukod sa mga ilegal na droga, nakumpiska rin ng mga operatiba ang marked money na ginamit ng nagpanggap na buyer.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bulacan, inabot ng dalawang buwan ang pagmamatyag at koordinasyon bago nila naayos ang isang transaksyon sa target.

“Ang drug suspect ay napaka-mailap at napakaingat sa kanyang mga transaksyon, kaya naman inabot ng ilang buwan bago nagkaroon ng matagumpay na transaksyon sa droga sa kanya,” dagdag ng pinuno ng pangkat.

Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsamang elemento mula sa PDEA Zambales Provincial Office, PDEA RO3 Special Enforcement Team, at PDEA Bulacan Provincial Office.

Si alyas “Tol” ay sasampahan ng kasong paglabag sa Section 5 (Pagbebenta ng Mapanganib na Droga), Article II ng Republic Act 9165. Kung mapapatunayang nagkasala, ang suspek ay papatawan ng parusang habambuhay na pagkakakulong. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News