Sunday, August 9, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsBAWAL ANG BASTOS AT SINUNGALING SA BULACAN

BAWAL ANG BASTOS AT SINUNGALING SA BULACAN

Suspendidong Bokal, kinondena ang pagpasok sa online session ng SP

MARAMI ang nagulat na mga Board Member ng Bulacan sa isinagawang online session ng Sangguniang Panlalawigan makaraang bigla umanong pumasok sa zoom session si Board Member Efren Bartolome na sa kasalukuyan ay under suspension kaugnay ng isinampang reklamo sa kaniya ni Board Member Mina Fermin ng Unang Distrito ng Bulacan.

Matatandaan nang mag-privilege speech si Fermin kaugnay sa ginawa umanong pambabastos sa kanya ni Bartolome sa isang okasyon sa Calumpit, Bulacan ng biglang hawakan ni Bartolome ang puwitan nito na ikinabigla ng babaeng Bokal.

Umabot ang nasabing usapin sa ethics committee ng SP na nagresulta sa pagkakasuspinde ni Bartolome ng isang buwan.

July 16,2026 ng ibaba Ang desisyon ng ethics committee laban kay Bartolome.

Ayon kay Fermin marahil kaya pilit ito nagpupumilit mag-join o sumali sa kanilang zoom session sa kabila na ito ay kasalukuyan pang suspendido ay para pasinungalingan ang kanyang suspension. Ilang beses din umanong dinecline ang pag join nito sa online session pero nagpipilit pa rin itong pumasok.

Kaya marami ang nagulat dahil matapos na ilang beses itong ma-decline sa kanyang pagnanais na mag-join ay nag post umano ito sa social media na nagsasabing patuloy siyang umaattend ng session bilang kinatawan na tila pinahihiwatig nito sa kaniyang nasasakupan na hindi siya suspendido na inakala din ng ilan nitong commentors.

Dahil dito ay mariing kinondena ni Bokal Mina Fermin ang pagpapakalat ng maling impormasyon ng kampo ni Bartolome sa desisyon ng Sangguniang Panlalawigan kaugnay ng kanyang suspension.

“ Huwag po natin lokohin ang taumbayan hindi pwede ang ganitong gawain lalo sa aming mga nanunungkulan, dapat tayo maging responsable sa ating mga pahayag. Bawal po ang bastos at lalong bawal ang sinungaling sa Bulacan,” dagdag pa ni Fermin.

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News