Tuesday, August 11, 2026
Amana Water Park
HomeNational NewsCayetano team rumesponde sa mga binahang lugar sa Parañaque, Cavite, at Las...

Cayetano team rumesponde sa mga binahang lugar sa Parañaque, Cavite, at Las Piñas

ANG Emergency Response Team ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ay mabilis na nagdala ng pagkain at maiinom sa mga residenteng apektado ng pagbaha sa ilang lugar sa Parañaque, Cavite, at Las Piñas dulot ng patuloy na pag-ulan dahil sa Southwest Monsoon o Habagat.

Sa Barangay San Isidro, Parañaque City, nakipag-ugnayan ang team sa mga barangay responder at rescue personnel na nagsasagawa ng clearing at recovery operations.

Ayon kay Barangay Chairman Noel Japlos, walang naitalang nasawi sa lugar. Patuloy naman ang paglilinis ng mga natumba na puno, gayundin ng mga creek at kanal, upang maiwasan ang panibagong pagbaha.

Sa Cavite, namahagi ng tulong ang team sa mga residenteng naapektuhan ng baha, gayundin sa mga barangay personnel at rescuers. Ayon kay Barangay Captain Benedicto Camia, walang naitalang nasawi sa lugar. Nananatili naman sa evacuation center ang mga apektadong pamilya habang patuloy silang tinutulungan at minomonitor ng mga awtoridad.

Sa Barangay Talon Tres naman sa Las Piñas City, dinalhan din ng pagkain at inumin ang mga residenteng naapektuhan ng baha, kasama ang barangay personnel at responders, habang unti-unti nang humuhupa ang tubig at nagsisimula nang makauwi ang mga evacuee.

Nagpasalamat ang mga opisyal ng barangay sa patuloy na pag-abot ni Cayetano sa kanilang komunidad tuwing may sakuna. Ayon kay Barangay Talon Tres Chairman Chris Lucena, matagal nang nakatutok ang senador sa kanilang lugar, mula pa noong pandemya.

Isinagawa ang relief operations habang nagbabala ang PAGASA na magpapatuloy ang pag-ulan sa Luzon at kanlurang bahagi ng Visayas dahil sa Habagat.

Patuloy ang emergency relief operations ng team ngayong August 10 sa Taytay, Tanay, at Rodriguez sa Rizal, gayundin sa Bacoor City, General Trias, at Naic sa Cavite para maabot ang mga komunidad na apektado ng pagbaha at masamang panahon. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News