CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Labinsiyam na wanted persons ang nalambat ng Bulacan police sa magkakahiwalay na operasyon laban sa mga indibidwal na may kinakaharap na kaso at aktibong warrant of arrest nung Biyernes, (Sept. 18).
Isinagawa ang mga operasyon ng iba’t ibang police units sa lalawigan bilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng mga warrant of arrest at pagpapanagot sa mga taong may nakabinbing kaso sa korte.
Ayon sa pulisya, ang mga naaresto ay isinailalim sa kaukulang proseso at dinala sa mga himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon at iba pang legal na hakbang bago iharap sa korte.
Batay sa ulat, kabilang sa mga naaresto ang mga wanted persons na nahaharap sa iba’t ibang kaso, gaya ng Qualified Theft, Theft, paglabag sa Batas Pambansa Blg. 22 (BP 22), Robbery, paglabag sa Mandatory City Ordinance, Acts of Lasciviousness, paglabag sa Republic Act No. 9262, Statutory Rape, at Unjust Vexation.
Sa kabuuang bilang, tig-iisa ang naaresto ng 2nd PMFC, Plaridel MPS, Balagtas MPS, Pulilan MPS, San Jose del Monte CPS, San Rafael MPS, San Miguel MPS, San Ildefonso MPS, PIU Bulacan, at Norzagaray MPS; dalawa sa Marilao MPS; lima sa Sta. Maria MPS; at dalawa sa Bustos MPS.
Ang mga naarestong wanted persons ay isinailalim sa kaukulang dokumentasyon at legal na proseso bago dalhin o iharap sa mga kinauukulang korte, alinsunod sa umiiral na mga batas at panuntunan.
Sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. Jay B. Baybayan, Acting Provincial Director ng Bulacan PPO, patuloy na pinaiigting ng Bulacan PNP ang pagpapatupad ng mga warrant of arrest at iba pang operasyon laban sa mga wanted persons bilang bahagi ng kampanya upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng mga mamamayan sa buong lalawigan ng Bulacan. (UnliNews Online)

