Saturday, October 3, 2026
Amana Water Park
HomeNational NewsMga guro sa Pandi, SILA NAMAN ANG BIDA!

Mga guro sa Pandi, SILA NAMAN ANG BIDA!

PANDI, Bulacan — Walang kapantay na kasiyahan at pasasalamat ang naranasan ng mga gurong araw-araw na humuhubog sa kinabukasan ng mga kabataang Pandieño!

Sa pagdiriwang ng Teacher’s Day nu’ng Friday (Oct. 2), binigyang-pugay ng Pamahalaang Bayan ng Pandi sa pangunguna ni Mayor Enrico Roque kasama ang mga miyembro ng Sanguniang Bayan ang mga guro mula sa pampubliko at pribadong paaralan sa pamamagitan ng isang espesyal na araw na puno ng kasiyahan, tawanan, sorpresa at mga pa-premyo.

Sa temang “Teacher, Ikaw Naman!”, pansamantalang isinantabi ng mga guro ang kanilang karaniwang trabaho upang sila naman ang maging sentro ng selebrasyon bilang pagkilala sa kanilang walang sawang serbisyo, malasakit at dedikasyon sa edukasyon.

“Ngayong araw, sila naman ang pinapalakpakan at pinasasalamatan natin,” ayon kay Mayor Roque.

Ipinakita rin ng pagdiriwang ang pagpapahalaga ng pamahalaang bayan sa mga gurong patuloy na nagbibigay-kaalaman, inspirasyon at gabay sa bawat kabataang Pandieño.

Dagdag pa ng alkalde, “Sa kabila ng araw-araw na hamon sa pagtuturo, nananatiling katuwang ng komunidad ang mga guro sa paghubog ng mas magandang kinabukasan para sa kabataan”.

Dumating at nakiisa sa naturang programa sina Congresswoman Agatha Cruz mula sa Ika-5 Distrito ng Bulacan at Vice Gov. Alex Castro.

Saludo ang Pandi sa lahat ng guro! Happy Teacher’s Day! (UnliNews Online)

Mga larawan: Mayor Rico’s FB page

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News