PANDI, Bulacan — Pinangunahan nina Gov. Daniel R. Fernando, Vice Gov. Alex Castro at Mayor Enrico Roque ang pamamahagi ng bigas sa mahigit 5,000 pamilyang Pandieño sa isinagawang Rice Distribution Program ng Provincial Government of Bulacan, katuwang ang Pamahalaang Bayan ng Pandi nu’ng Martes (Oct. 6).

Isinagawa ang programa upang maghatid ng karagdagang tulong sa mga pamilyang nangangailangan, kung saan bawat benepisyaryo ay tumanggap ng bigas na malaking ginhawa sa kanilang pang-araw-araw na gastusin sa pagkain.
Pinangunahan ang distribusyon ng Provincial Government of Bulacan sa pakikipagtulungan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Pamahalaang Bayan ng Pandi.
Nagpasalamat naman ang lokal na pamahalaan sa patuloy na suporta ni Gov. Daniel R. Fernando at ng PSWDO sa mga programang naglalayong matugunan ang pangangailangan ng mga Pandieño. (UnliNews Online)
Source: Pandi Information Office

