Monday, May 20, 2024
Amana Water Park
HomeLifestylePeople & CommunityPinakamalaking Job Fair gaganapin sa April 30 sa SMX Manila

Pinakamalaking Job Fair gaganapin sa April 30 sa SMX Manila

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Ang SM Supermalls, sa pakikipagtulungan sa Department of Labor and Employment (DOLE), ay magkakaron ng pinakamalaking Job Fair sa bansa na gaganapin sa April 30 sa SMX Convention Center, Manila!

Simula pa noong taong 2008, ang SM Supermalls ay nagsasagawa na ng mga job fairs sa iba’t ibang SM Malls sa Pilipinas, at ito ay nagbabalik sa darating na Labor Day, May 1. Matapos ang May 1, magpapatuloy na bukas ang mga SM malls bilang official venue ng mga darating pang Job Fairs sa bansa.

Ang mga job fairs na ito ay naglalayong magbigay ng mga opportunities para sa mga jobseekers, pati na rin para suportahan ang mga pagsisikap ng pamahalaan na mabawasan ang unemployment sa bansa.

Bukas ang mga job fairs sa lahat, kabilang ang mga newly graduates, mga OFWs, at ang mga nawalan ng trabaho dahil sa Covid 19 pandemic.

Sa araw ng Job Fair, ang mga naghahanap ng trabaho ay maaaring magsubmit ng kanilang mga resume at magkaron ng mga initial interviews sa mga kumpanya. Ang ilan sa mga companies na ito ay nagsasagawa rin ng mga on-the-spot hirings kung saan ang mga qualified applicants ay maaaring makatanggap ng mga job offers sa mismong araw.

Bilang itinalagang official venue ng DOLE para sa Job Fairs nationwide sa Mayo 1, ang iba pang Job Fairs ay magaganap din sa SM City Grand Central, SM Southmall, SM City BF Paranaque, SM City Sucat, SM City Baguio, SM City Marilao, SM City Pampanga, SM City Olongapo Central, SM City Tuguegarao, SM City Cabanatuan, SM CDO Downtown Premier, SM City Davao, at SM City San Jose del Monte.

Sa mga nagdaang taon, ang LGU at PESO ay nagsagawa din ng mga Job Fairs online noong kasagsagan ng pandemya. Ngayong taon, magsasagawa sila ng Job Fairs sa probinsya ng Bulacan kalahok ang SM City Baliwag (May 4) at SM Center Pulilan (May 12), kabilang pa ang ibang malls tulad ng SM City Marikina at SM City Lipa (May 1), SM City Roxas (April 25 at May 1), SM City Bacolod (May 5 at 6), SM City Puerto Princesa (May 1), SM Cherry Antipolo (May 12) at SM City Novaliches (May 1).

Huwag palampasin ang pagkakataong ito para sa iyong pangarap na trabaho! Bisitahin ang SMX Convention Center Manila sa April 30 at SM Supermalls nationwide on May 1! Para sa karagdagang impormasyon at mga updates, visit www.smsupermalls.com or i-follow ang @SMSupermalls sa social media. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments